Chapter 1: Miyara Meets Bicol

94 6 0
                                    

        “Aba, pasensiya ka na talaga Miyara Catarina. Sabi ko naman kasi sa’yo eh, sa Tiya Isabel mo sa Legazpi na lang ikaw dapat tumuloy,” parang dismayang-dismayang himutok ni Tiya Anabel ko. Syempre ngumiti ako para hindi na siya panghinaan ng loob.

                “Tiya,” sabi ko sa malambing na boses, “Ang gusto ko po talaga ay dito sa inyo. Hindi naman po ako nagrereklamo ng kung ano ah. Sobrang saya ko nga po na pinatuloy niyo ako dito. Itong-ito po talaga yung mga nasa panaginip ko!”

                Nagliwanag naman ang mukha ni Tiya. “Talaga? Naku! Bakit di mo naman agad sinabi? Tama nga yung mama mo. Adventure ka nga.”

                Natawa naman ako ng mahina. “Adventurous ho, Tita.”

                Umiiling-iling lang ang batam-bata ko pang Tita. “Ay nako. Walang ganyan dito sa bundok kaya hindi ko alam ‘yan. Sige, mag-ayos ka na at ipaghahain na kita.” Iniwan na ako ni Tita sa maliit na kuwartong ito.

                Sinimulan ko ng ilabas isa-isa ang mga gamit ko at kumuha ng pamalit kong damit at ilang toiletries. Hay! Sobrang nakakapagod pala talaga bumiyahe! Ngayon pa lang talaga pumasok sa sistema ko.

        Nako, Konting konti na lang talaga yung pasensiya ko dun sa driver ng bus na nasakyan ko eh! Hobby ang stop-over! Sabi ni Mama, ‘pag tuloy-tuloy daw ang biyahe, 12 hours lang daw ang aabutin ko from Manila to Legazpi Terminal. Pero binalaan din niya ako na kapag Maja Salvador yung driver, posible na abutin ako ng 20 hours.

        At kapag sinusuwerte nga naman ako talaga, Maja Salvador nga yung natapat sa akin! Oo, medyo taragis! Maja Salvador yung driver! Maja Salvador as in “Dahan-dahan lang, Dahan-dahan lang, dahan-dahan lang ooh” yung pagpapatakbo niya! Tinext ko yun kay Mama at sabi niya wala daw akong karapatang magreklamo kasi daw ginusto ko ‘to. Tama nga siya. Ginusto ko ‘to. Ginusto ko talaga ‘to!

        Tumingin ako sa labas. Grabe, finally nandito na ako sa kabundukan! How nice, diba? Mararanasan kong mag-Hunger Games o kaya mag-ala “Survivor in Palau” kasi pwede akong pumitas-pitas ng pwedeng kainin na dahon tapos aakyat ako ng puno ng langka as if yun na lang ang pwedeng kainin para lang maka-survive ako. O diba? Isn’t it amazing? Pwede ko ring sisirin ang dagat pero magpo-focus na lang ako sa bundok since hindi naman ako kagalingang mag-swimming. Grabe, andami ko talagang pangarap dito at sisiguraduhin kong bago matapos ang one month-stay ko dito, nagawa ko na yung lahat. Syempre, I will capture every moment with my gadgets.

        Speaking of gadgets, kanina lang nabanggit ni Tita na every-other-day lang pala ang supply ng kuryente dito. Napatingin ako sa maleta na dala ko. Halos kalahati nun, na-occupy ng mga gadgets at iba pang bagay na hindi ko pala mapapakinabangan ngayong nandito ako sa bundok na hindi gaanong basic necessity ang kuryente. Hay, minsan talaga antanga ako.

                “’Di pwedeng na-excite lang at hindi nakapag-isip ng matino?”, taray ng isang part ng utak ko.

                “Ganyan ka naman lagi eh. Kaya ka naiiwan,” emo naman ng isa pang part.

                Sumama naman agad ang timpla ko. Nakakatawa na yung taray nung isang part eh. Bakit ba may emo pang part ang mga utak? Hay, pati ba naman utak, bipolar! Akalain nyo nga naman po mga kababayan! Napabuntong-hininga ulit ako one more time. This time, mas mabigat. Bakit ganun? Bakit ako naiiwan? Bakit ako---

                “Ate Mimi, tapos ka na daw pong magpalit?”, putol ng pinsan kong si Kame sa pag-iinarte ko, este pagmumuni-muni ko.

                Nilingon ko siya sa may pinto at agad na ngumiti. “Ah, oo. Susunod na ako.”

                “Sige po! Espesyal po ang hinanda ni Nanay ngayon! Tortang tawilis!”, sabi nito habang umalis na pakanta-kanta pa.

                Napakunot agad ang noo ko. Espesyal? Tapos tortang tawilis? Yung totoo?

        Agad kong binura yun sa isip ko. Bawal pala ang nega! Erase Erase, kanta lang ng Jadine ang peg!

        Dapat positive ako sa lahat ng gagawin ko dito sa Rapu-Rapu. Dahil una, ito naman talaga ang gusto ko: Maranasan ang all-out probinsya life, meaning wala ni isang tidbit ng city life.

        At pangalawa, I want to find myself. Naks! Bumi-Billy Crawford! Basta yun, sabi yun nung lalaki sa Chicharon ni Mang Juan eh. Kung gusto mo talagang hanapin ang sarili mo, wag ka pumasok sa lugar na puro kamera (i.e. Bahay ni Kuya). Pumunta ka daw sa tahimik na lugar (i.e. Mamundok ka) dahil sa lugar na tahimik ka lang talaga mabibigyan ng kapayapaan ng isipan, in English: peace of mind. Aha! Siya pala talaga inspirasyon ko dito!

        Pero sana, sana talaga, may matutunan ako sa trip-trip kong adventure na ito. Sabi nga sa jeep, God bless our trip!

A/N: Please comment po! I need your opinion for me to improve po! Please! Thank you <3

&quot;Supposedly a Summer Love&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon