Last Chapter: It's the End of Us As We Know It

10 1 0
                                    

Tinititigan lang ng mabuti ni Miyara si Asce pero naiiyak na siya.

Kung hindi ba siya kinausap nung nurse, hindi pa ba talaga niya mare-realize na mahal niya si Asce?

Ganun na ba talaga siya kamanhid? Ang nakikita niya ngayon, isang Asce na nasaktan dahil sa kanya. Pero napawi na ng mga sinabi ng nurse ang mga alalahanin niya kung deserving ba niyang mahalin si Asce. Ang gusto na lang niya, magfocus na mahalin ito. Kumuha siya ng isa pang tissue. Iyak na siya ng iyak, konti na lang babaha na.

Sumulyap siya sa pinto. Ang sabi ng nurse, magigising na si Asce any minute. Pero one hour ago pa yun. 4PM na. Isang oras na lang at magsasara na ang clinic. Dapat siguro kontakin na niya ang mga magulang ni Asce.

"Wag ka ng umiyak, please..."

Gulat na luminga-linga si Miyara. Sino yun? Tumayo siya at hinawi ang isang kurtina. Wala namang ibang tao. Nagsiuwian na yata yung mga pasyente kanina. Yung nurse naman, nasa office nito. Pagbalik niya sa upuan, sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Asce.

"Isang oras ka ng umiiyak. Mas napapagod ako kapag pinapanood kitang ganyan."

Naghintay siya ng mga dalawang segundo para magprocess na si Asce ang nagsalita kanina. At nagsalita ngayon. 2, 1...

"Asce!"

Sa sobrang gulat---at tuwa---niyang gising na si Asce, nayakap niya ito kahit bedridden ito. Saka nagsimulang humikbi sa balikat nito. Aba, may iluluha pa pala siya. Akalain ng universe yun. "Asce, Asce..."

Naramdaman niyang inaalo siya ni Asce sa paghaplos sa buhok niya. Bakit parang naalis na agad lahat ng problema niya sa buhay? Dapat Physical Therapy na ang kunin nitong course. "Sshh, tama na..."

Humiwalay siya rito at pinunasan ang sarili niyang mga luha. Hindi siya nahihiya sa ginawa niya. Totoong nag-aalala siya kay Asce. Halos tatlong oras niya hinintay ang paggising nito. Paano kung napasama ang lagay nito at natagalan pa ang paggising? Hindi yun kakayanin ng konsensiya niya.

"I'm so sorry, Asce." Nagsisimula na naman ang mga luha niya. "Hindi dapat nangyari sa 'yo 'to."

Umalis si Asce sa pagkakahiga at inabot ang pisngi niya. Marahang pinunasan nito ang mga luha sa mukha niya. "Kung hindi ako binugbog ni Gardo, eh di wala ka ngayon sa tabi ko. Nagpapasalamat akong nangyari ito."

Umiling si Miyara ng matindi. Hala, ano na? "Baliw ka na ba? Kung hindi ka na nagising," tumataas na ang boses niya rito," kung hindi ka naagapan, kahit nandito ako, paano mo malalaman? Bakit nagpapasalamat ka pa? Nababaliw ka na ba, Asce?"

"Shh, tama na," awat sa kanya ni Asce.

"Kung hindi ka na nagising," bumaba na ang tono niya kasi naluluha na ulit siya, "paano mo malalamang nandito ako sa tabi mo?

Kung hindi ako dumating kanina, magpapabugbog ka na lang hanggang sa mamatay ka?

Paano mo malalamang ikaw ang pipiliin ko?

Kung wala ka na," hinawakan ni Asce ang nanginginig na kamay niya, "paano mo malalamang mahal kita?"

Tuluyan ng bumangon si Asce at mahigpit na niyakap siya. Iyak lang siya ng iyak. Yung tearducts niya, isang dam talaga ang bitbit noong nagbuhos si Lord ng mga luha sa mundo.

"Mahal din kita, Miyara." Narinig niyang bulong ni Asce.

Biglang nahinto ang mundo niya. Tama ba ang naging pandinig niya? Bakit ganun? Parang sila na lang dalawa ni Asce sa mundo. Tapos para siyang nakalutang sa ulap na hindi maintindihan. Basta ang alam lang niya, sobrang gaan ng pakiramdam niya. Sobrang saya. Parang nanalo siya sa lahat ng lotto sa mundo combined. O higit pa.

Nanatili lang sila sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang maampat ang luha niya. Nako, sapat na siya sa ganitong luxury, kahit infinity and beyond na sila dito, okay lang sa kanya. Pero naalala niyang may masakit sa katawan si Asce.

"Bumalik ka na sa pagkakahiga mo," nakangiting sabi niya kay Asce. "Saan pa ang masakit sa 'yo?"

Umiling si Asce at tiningnan lang siya. "Ayoko na dun. Gusto ko dito na lang sa tabi mo."

Inupuan na lang nilang dalawa yung hospital bed at sumandal sa headrest. Hindi sila nagtitinginan ngayon. Parehong diretso ang tingin pero magkahawak ang mga kamay. Best moment of silence ever.

"Hindi ka talaga umalis?" kapagkuwan ay sabi ni Asce. "Binantayan mo talaga ako?"

Napangiti siya. So fishing ito? Nge. "Hindi kita iiwan, Asce. Kung 'yan ang gusto mong marinig."

Malungkot bigla ang naging tono nito. "Alam mo, narinig ko na 'yan dati.

Dapat hindi 'yan sinasabi kung hindi tototohanin.

Naniniwala ako eh."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Asce. Hindi siya bibitaw. Hindi siya bibitaw sa kanilang dalawa. "I'm so sorry, Asce.

Sorry sa dati.

Sorry sa ngayon.

Sorry sa lahat ng sakit.

Wala na akong ginawa kundi ang saktan ka.

I'm so sorry."

Hindi sumagot si Asce. Bakit parang ang tagal ng bawat segundo? OMG. Ang awkward na. Tumayo siya at pinuntahan ang mga gamot ni Asce. Nagpour na rin siya ng tubig sa isang baso. Baka nauuhaw ito. Ilang oras din itong natulog.

"O uminom ka muna. Magpagaling ka na, Asce."

Tinanggap nito ang tubig pero nilapag din agad sa table malapit dito. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Madali lang namang gumaling itong mga sakit ko sa katawan.

Isa, dalawa, tatlong araw, okay na.

Makakabalik na sa dati.

Sana ganun na lang din ang puso kapag nadurog noh?"

Pinipilit tingnan ni Miyara si Asce sa mata kahit ang sakit-sakit. Pinipilit niyang hindi maiyak sa puntong ito. Pinakinggan lang niya si Asce.

"Isa, dalawa, tatlong araw, magaling na.

Maibabalik din sa dating ayos pagkapahinga."

Binitawan nito ang kamay niya. Binitawan nito ang kung anumang pag-asang natitira sa kanila.

Ano bang akala niya, kapag nasabi na niyang mahal niya si Asce, maaayos na sila?

Makakalimutan na ang lahat ng sakit?

Akala niya siguro, nasa pelikula sila.

O kaya fairytale.

Na kapag sinabi na ang magic words, happily ever after na.

May forever.

Bakit ba niya naisip yun?

Ang sakit tuloy.

Pero mas masakit ang susunod na sinabi ni Asce.

"It was supposedly a summer love, Miyara. Pero tinapon mong lahat iyon."


"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon