Chapter 16: Fallin' (raw)

7 1 0
                                    

"Aba, ako talaga, naku-curious na ah."

Nagtaas ng tingin si Miyara mula sa nirerebyung aklat. Minsan, bilib din talaga siya dito kay Delly. Siya, hindi na magkamayaw sa pagrerebyu ng Long Test nila sa Theology 2. Pero si Delly, kung makanguya ng chips sa cafeteria, aakalain mong first week of classes pa lang.

Hinarap niya ito. "Ano na naman ba ang nagtrigger ng curiosity po, Madam?"

Umirap ito sa kanya. "Kung anong iniinom mo at hindi ka nauubusan ng lovelife."

Nag-inat si Miyara. Nangangawit na ang leeg niya sa kakayuko. "Alam mo, kung 'yan ang sagot para harinawang pumasa tayo sa Theology, pag-uusapan natin 'yan eh. Pero wala kasi akong maisip na matutulungang subject o kahit anong aspeto ng buhay ko niyang tinatanong mo."

"Meron kaya," sabi ni Delly saka nagbuklat-buklat na rin ng notes nito.

Dumukot siya sa chips nito. Pwe, ang alat! Gusto niya matamis. "Ano naman?"

Tumingin sa kanya si Delly. "'Yang puso at ang isip mo," sabi nito ng may hand gestures pa.

Siya naman ang umirap dito. "Alam mo, kasing-alat niyanb kinakain mo yung mga imagination mo. Dapat siguro tigil-tigilan mo na ang pagkain niyan."

Nilagay na nga nito sa bag nito ang chips na iyon. "Ikaw, kasing-alat non yung pananaw mo sa buhay. Iyang lovelife mo, kapag nareta-retaso mo 'yan at kapag napagtagpi-tagpi mo, makakatulong 'yan ng mahigit sa katinuan ng isip mo at kapayapaan ng puso mo." Naglabas ito ng dalawang Cloud 9 sa bag. "O ayan, galing kay Cate. Matamis naman para mabawasan ang pagkabitter mo."

Tinanggap niya iyon at mabilis na kinain. Medyo dapat pagnilayan ang mga sinabi ni Delly sa sobrang lalim at sobrang haba. Naguguluhan na siya sa buhay niya. Isang linggo mula nung pagkikita nila ni Asce sa Fil 102, hindi na niya pinapayagang mag-isip ang utak nnya ng anythng about lovelife. Take a break muna, grab a kitkat.

"Gusto mo bang pag-usapan?" mahinahong tanong ni Delly.

Napabuntong-hininga si Miyara. "Sabi mo, hindi ako nauubusan ng lovelife." Tumango si Delly. "Dahil ba pagkatapos ni Gardo, dumating ulit si Asce? Nagparamdam?"

Hindi sumagot si Delly. Nalaglag lang ang balikat nito.

Napahilamos ng mukha si Miyara. Nangingilid na naman ang luha niya. "Hindi ko naman 'to ginusto eh. Sobrang sakit pa ng ginawa ni Gardo. Iniisip ko pa kung bakit ako nahulog sa ganun eh nakita ko na yun sa kung saan-saan. Sa wattpad, sa mga status sa FB, sa TV. Paulit-ulit. Nakakatanga. Bakit ba dumadami ang mga tanga sa mundo?"

Hinawakan ni Delly ang kamay niya. "Tama na, friend."

Napalunok lang si Miyara at nagpatuloy siya. "Si Asce naman, nagsalita ng nararamdaman niya para sa 'kin sa harap ng maraming tao. Bakit kailangan niya akong biglain at lituhin ng ganun?" Hinagod ni Delly ang likod niya. "Ano nga uling sabi niya? May bago na raw ako ngayon. Basketbolista. Sino ba ang tinutukoy niya, si Gardo? At pa'no niya yun nalaman?"

"Baka nung sabi ko, hindi lang seaman ang manloloko," tila sagot ni Delly sa tanong niya. "Nung inasar ka nung boys tungkol sa basketball."

Natigilan si Miyara. "Ibig sabihin noong araw na rin iyon lang nalaman ni Asce ang tungkol kay..."

Nagulat ding napatango si Delly. "Baka nga hindi pa niya alam na si Gardo yun."

Natahimik sila sandali. Si Delly ang unang nagsalita.

"At baka rin nasaktan siya sa nalaman niyang may mahal ka ng iba."

Napapikit si Miyara. "Ang sabi pa niya, iniwan ko siya..." May tumulo ng luha sa mata niya sa mga nari-realize niya. "Baka kasi hindi ko na siya mahal."

"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon