"Pssst, Miss!" Bulyaw kay Miyara ng isang lalaki. "Hindi ako bulalo para titigan mo!"
Napabalikwas naman si Miyara sa gulat. Halos mahulog nga siya mula sa bench na kinauupuan. Tiningnan niya yung manong na bumulyaw sa kanya. Ayun, pinipigil ang tawa. Wait -- ano bang nangyari? Bakit naakusahan siya ng pambubulalo?
Luminga-linga siya sa paligid. Tapos ni-close-open ang mata. Wow! Nagtime travel ba siya? Baka nasobrahan na naman siya sa katol kagabi. Naalala na naman niya yung isa sa mga pinakamagagandang nangyari sa tanang buhay niya. Summer 2013. Isang taon na rin ang nakalipas. June 2014 na. Ang bilis, parang kahapon lang nangyari lahat. Parang kahapon lang, nagmahal siya pero hindi nagtagal.
"Sorry po," sabi ni Miyara saka umaanyong papaalis na sa park na iyon. "Broken hearted po kasi ako."
Hindi na niya hinintay na makasagot yung lalaki. Umalis na siya. Tama naman ito. Hindi ito mukhang bulalo. Baka mga lechon pa, sige. Tititigan niya.
Her first year in college has passed quickly. Natagpuan na lang ni Miyara ang sarili na nag-eenroll para sa first semester ng pagiging sophomore niya. She looked around. Over-all, Ecal U has been the same -- people, places, atmosphere. Halos ganun pa rin at wala namang nagbago over the summer. Natawa siya, hindi naman pala lahat nababago ng isang summer.
Nakakita siya ng ilang familiar faces -- yung babae sa Admissions' Office na sobrang taray, yung ka-batch niyang artista na anak ni Maritoni Fernandez, yung isang kaklase niya na nag-drop ng Math102 last sem. Lahat busy at nangangati ng matapos ang apat na proseso ng enrollment. Bakit siya lang ang parang Alice in Wonderland ngayon?
Hindi niya kasi maiwasang magsenti. Sophomore na siya. Sophomore na siya! Tapos na ang isang year na "Ay, maingay, Freshman eh." Tapos na rin ang year na merong ""perks of being a frosh." Yung hindi muna ikaw ang papasagutin sa mahirap na tanong sa Philo kasi may upperclassmen ka namang kaklase. Yung mababa ang expectation ang kailangan mong i-meet at allowed pang magkamali. Hay. Siguro masyado lang siyang kinakabahan. Sophie feels.
Pupunta na siya sa room ng Step 1 nang mahagip ng tingin niya ang isang pamilyar na pigura. Perfect definition ng Tall, Dark and Yummy. Hindi siya maaaring magkamali. Si Asce yun. Malayo-layo ito sa kinatatayuan niya pero sigurado siya. Si Asce iyon. Narealize ni Miyara na hindi lang mga satellite ang may radar. Pati puso niya.
She struggled to get past through the crowded hallway. Ganito ba talaga sa pag-ibig? Laging may obstacle course? Sobrang sikip. Parang nasa MRT. Or worse. Pero hindi niya inaalis ang tingin kay Asce. Probinsyano ito pero halos nakikipagsabayan ang kaguwapuhan nito sa mga peymus ng lalaki sa Ecal U.
Hindi ito nakatingin sa direksiyon niya, pero parang may hinahanap din ito. Wait -- totoo ba 'to? Si Asce na ba talaga? Baka masabihan ulit siya ng bulalo! Binilisan niya lalo ang lakad. Badtrip, andami talagang tao at ang gulo! Kailangan niyang bilisan kasi siya lang naman ang hinahanap ni Asce. Sino pa ba ang posibleng kakilala nito dito?
Speaking of which, bakit nga ba nasa Ecal U ito in the first place? Sa Maynila, for that matter. Napatigil siya ng konti sa naisip niya. Hindi kaya sinusundan siya nito? Hindi kaya sasabihin nitong hindi pala nito kayang mabuhay ng wala siya? Hindi kaya gusto nitong ituloy ang kung anuman ang naudlot noong summer?
'Nasabi na ni Asce yun lahat dati,' paalala sa kanya ng konsensiya niya.
Ah, basta! Wala siyang ibang maisip na paraan para masagot ang mga tanong niya kung hindi ang lapitan ito at alamin mismo dito ang sagot. Bakit ba para kasing ang hirap hirap nitong marating ngayon?
Nakita niyang tumalikod ito at nagsimula ng maglakad palayo. Palayo sa kanya. Oh no! Hindi puwede! Doon na niya ininda lahat ng nakaharang sa daan niya. Panay na ang sorry niya pero hindi pwedeng mawala sa paningin niya si Asce. Hindi ngayon. Hindi ngayong alam na niyang mahal niya ito at hindi dapat pinakawalan pa.
"Asce!" Sinimulan na niyang tawagin ito, ngayong nakaalpas na siya sa swarm ng mga tao. Hingal na hingal na siya pero patuloy pa rin siya sa pagtawag. Hindi ito lumilingon. Naabutan naman niya ito just about the same time na nilapitan ito ng school registrar.
"Mr. Lamberto, please come to my office. You still have papers to accomplish."
Marahan namang tumango si Asce saka biglang napatingin sa kanan. Sa kanya. Napakunot ng noo nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa school registrar. Naguguluhan na rin siya. Hindi man lang ba siya nito babatiin? Alam niyang maaaring galit ito, pero malamang naka-moved on na ito.
"Ehem," tikhim ng registrar. "Mr. Lamberto, do you know her?"
She was almost so sure what he will reply. Hindi siya maaaring i-deny nito.
"No, Ma'am," tugon ni Asce. "I don't know her."
☆
BINABASA MO ANG
"Supposedly a Summer Love"
Ficção AdolescenteSummer 2013 ang dapat dabest summer para kay Miyara dahil sa wakas ay pinayagan na siyang mamundok ng mga magulang niya mag-isa. She has been a city girl all her life and she is really curious on what it is like to live in a province. Hindi naman si...