Chapter 15 Part 2

14 2 0
                                    

Nang matapos ang tawanan, siniko niya si Delly. Syempre, hindi pa rin niya mapapalampas ang panlalaglag nito.

"Psst, uy! Below the belt na 'yun ah!" sabi niya kay Delly.

Medyo nakonsensiya rin yata si Delya. "Sorry, Bebe. Anyway, shake it off na natin 'yan! Makaka-move on ka lalo kapag mas pinag-uusapan natin si Gardo tapos pinagti-tripan natin siya kesa naman sensitive ka sa bawat rinig ng pangalan niya. Mas malulugmok ka non at mag-e-end up lang na bitter!"

Napatango-tango si Miyara. Kunsabagay, may point si Delly! Reverse psychology pa nga yata yun ayon kay Ramon Bautista. "Apir! Okay, peace na tayo!" Nakinig na sila sa prof nila.

"Isa ring lihis na pangangatwiran ang Walang Kaugnayan o Non-Sequitor," basa ng prof nila mula sa projector. "O kayo, mga walang connect naman ang mga utak niyo. Magbigay ng halimbawa."

Nagtaas ng kamay ang kolokoy na si Matt. "Ma'am, sampung taon kaming hindi nagkita," umarte pa ito ng parang natatae. "Hindi ko yata siya nakilala kasi binuksan yung aircon." Pahawak-hawak pa ito sa mukha na umiiyak.

Syempre, hagalpakan ang buong klase. Tarantadong Pinoy talaga 'yang si Matt! Pang-MMK na, aircon lang pala ang banat. Tawa din ng tawa yung prof nila.

"Guys, yung medyo seryoso namang argumento," sabi nito saka tumuro sa likod. "O isang halimbawa mula diyan sa limang sit-in."

Hindi lumingon sa likod si Miyara pero nakarinig siya ng mga nagsisikuhan at "Uy, pare! Ikaw na!" at isang "Hindi, p're. Alam kong gusto mo." Sa huli, may tumayo naman yata at nagrecite. Tiningnan niya ito. Hindi naman si Past.

"Ehem," tikhim ni Boy Heartthrob din siguro kaso naka-braces. Turn-off, mamehn. Pero guwapo naman, myehehehe. "Kailangan ko ng closure. Pero ang sabi niya," yumuko pa ito at konting nag-emote bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Pinagpalit niya ako kasi naglagay ako ng efficacent oil," pekeng nag-iyak-iyakan din ito.

Mga two seconds, nangapa pa ang klase kung tatawa ba kami sa joke ng isang outsider. Pero after two seconds nga, naghagalpakan na rin agad ng tawa. Ayos din itong si Mr. Brace ah! Pwede ng mag-apply sa pagiging Kulugo Boy ng block nila! Corny Award 2014.

"Guys, seryoso naman," saway ni Bb Divine. "O ikaw, alam kong seryoso ka kasi hindi ka pa yata nagrerecite sa klase ko nitong buong semester." Parang nanginig si Miyara. "Isang halimbawa, Lamberto."

Jackpot. Parang wrong timing. Ayaw niyang makita o marinig ang boses ni Gardo ngayon, malinaw iyon. Pero si Asce? Hindi niya sure kung kailan pa siya magiging ready.

"Ma'am, wala po akong halimbawa eh," narinig niyang sagot nito mula sa likod.

Ngumiti lang ng matamis si Bb Divine. Kahit sino, magrerecite na sa ganitong ngiti eh! Parang nanay mong proud sa 'yo noong Kinder ka kahit ikaw lang ang hindi makasunod sa steps ng Field Demo niyo!

"Ehem," nagtawanan ng mahina kasi ginaya ni Asce si Mr Braces. "May bago na siya ngayon. Basketbolista." Napapikit ng mariin si Miyara. 'Wag, Asce. 'Wag.

"Iniwan niya yata ako," patuloy ni Asce. Lumingon si Miyara dito. Nakatingin ito sa kanya. Seryoso. Actually, naghihintay na siya ng pickup line kasi Walang Kaugnayan naman ang concept nila. Pero hindi aircon o efficacent oil ang sinabi nito. "Kasi hindi na niya ako mahal."

Tick.

Tock.

Tick.

Tock.

Kumpletong katahimikan sa Room 103 ngayon. Ngayon lang napatunayan ni Miyara na minsan totoo yung pwede kang maghulog ng karayom tapos maririnig mo pa rin. Tapos yung nakakabinging katahimikan? Totoo pala 'yun. Atsaka masakit.

Halos iiyak na siya nang magsimulang magkantiyawan yung Kulugo Boys nila.

"Pareng Lambs! Hindi naman Non-Sequitor 'yan eh!" Ericksonny.

"Nasa Padalos-dalos na Paglalahat ka pa rin, pare!" Heraldo.

"May koneksiyon yung sinabi mo, p're! Baka hugot na 'yan!" Matt.

"Oo nga." Pablo.

Konting-konti lang ang sinabi ni Pablo pero inulan na ito ng "Weh? Walaa!" "Huwag ka ng magsalita!" "Bitter ka lang rin eh!" Ang nangyari, napokus ang atensiyon kay Pablo kasi halos lahat naki-trash talk na rin.

Nakatingin lang siya kay Asce. Nakaupo na ito. Nakayuko. Ano bang ibig sabihin nito? Hindi sigurado si Miyara kung siya ang pinapatamaan pero ang sakit sakit na sa loob niya. Nag-angat ng tingin si Asce at nagtama ang tingin nila. Bigla namang may tumulong luha sa mata ni Miyara.

Bakit nasasaktan pa rin siya, makita lang ito?

Bakit yung mga mata nito, parang may nais iparating?

Bakit parang dumaan lang sa buhay niya si Gardo? Para ba sabihing sa huli, si Asce pa rin? Si Asce pa rin ang issue dito at ang issue niyang dapat ayusin?

"Asce..." Sabi ni Miyara kahit parang hangin lang ang nakarinig dahil maingay pa ang klase.

Tumayo si Asce at sa isang iglap, nasa tabi na niya ito. Natahimik ang buong klase.

"Sa susunod," mahinang sabi nito habang pinupunasan ang luha niya gamit ang kanang kamay nito. "Huwag ka ng iiyak dahil sa akin ah."

Ngumiti ito. Sa unang pagkakataon matapos ang halos isa't kalahating taon sa kanya.


A/N: Haha O Asce na naman!! Isa to sa mga favorite chapter ko!! Hahahaha! PLEASE COMMENT GUYSS!!

"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon