Chapter 23: Bigyan ng Forever!

7 1 0
                                    

"Ikaw ba si Miyara?"

Tumango siya sa tanong ng nurse kahit nagulat siya sa tanong. Masaya namang huminga ng maluwag ang nurse at napahawak pa sa dibdib.

"Hay, salamat. Nandito na ang binabanggit ng pasyente sa pagdedeliryo niya." Tinapik siya nito sa balikat at akmang aalis na. "Diyan ka muna sa tabi niya. Huwag mo siyang iiwan ha."

Tumango ulit siya rito at hinawi ang mga kurtina para hanapin si Asce. Nasa unang clinic bed ito, namumutla, natutulog. Napabuntong-hininga siya ng lumapit dito at nakita ang mga sugat nito sa malapitan. Mga ilang oras ba sila nagbugbugan? Wala ba talagang umawat? Parang papalo na sa Fight of the Century ang nangyari.

Tinitigan lang niya ng matagal si Asce. Pinipigil niya ang sariling hawakan ito at alisin ang mga nagkalat na buhok sa mukha nito. Hindi niya mawari kung payapa ang ekspresyon ng mukha nito o nasasaktan o magkahalo.

Kanina, sinabi niya kay Gardo na may mahal siyang iba. Si Asce. Yun lang nasa isip niya. Pero ngayong tinititigan niya ito, parang nagbabago ang nararamdaman niya. Parang naiisip niyang hindi niya deserve na mahalin si Asce. Kung may taong mahal siya, sigurado siyang hindi iyon si Gardo. Pero si Asce? Sobrang fail na yata ng relasyon nila para subukang i-work out at simulan ulit.

Nakabenda ang binti nito. Namamaga daw ito ng sobra dahil overworked, sa term ng nurse. Speaking of, bumalik ito ng may dalang medicine kit.

Ngumiti siya rito. "Para saan po ang mga iyan?"

"Para sa paggaling ng boyfriend mo."

Kumindat pa ang nurse sa kanya bago nilapag sa isang table ang mga banig ng gamot na reseta yata para kay Asce.

Nag-thank you siya at tumahimik na. Nagsalita ulit ang nurse.

"Matagal na kayo?"

Napabalikwas si Miyara sa kinauupuan. Saka napalunok. "Ho?"

Ngumiti lang ang nurse. May-edad na ito pero gandang morena pa rin na matutukoy ito. "Ikaw, bata ka. Nerbiyosa ka ba? Ang tanong ko kung matagal na kayo nitong boyfriend mo. Mukhang mahal na mahal ka eh."

Nagblush siya sa hiya kahit hindi makapaniwala. Baka ito ang nagdedeliryo. "Ah, hindi ko po siya boyfriend. Pero para rin po fair sa inyo, parang semi-ex ko po siya."

Kumunot ang noo ng magandang nurse. "Semi-ex? May ganun ba?"

"Para pong kami na hindi, kaya semi. Pero ex na po kasi dati pa po yun."

Lumiwanag naman ng konti ang mukha nito. "So ex mo siya, semi nga lang? Parang semi-kalbo? Parang kalbo pero hindi talaga."

Napatawa siya sa analogy ng nurse. Kapag semi talaga, kalbo agad eh noh.

"Alam mo, dapat binabalikan na 'yan eh."

Napatigil sa pagtawa si Miyara. Biglang balik sila sa main topic. "Bakit nyo po nasasabi yan?"

Umupo sa isang sofa sa malapit yung nurse. Paharap sa upuan niya. "Parang ang tindi kasi ng pagmamahal niya. Dapat yung mga ganyang pagmamahal, hindi nasasayang. Kanina, noong kararating lang niya rito, Miyara ang unang hinanap niya."

Napaayos ng upo si Miyara sa mga sinasabi ng nurse. Napatingin siya kay Asce. Wait, bakit gumaguwapo ito lalo?

Nagpatuloy ang nurse. "Tapos noong isang beses na nagising siya, ang sabi niya, 'Nasaan si Miyara?' 'Bakit wala dito si Miyara?' 'Hindi ako iiwan ni Miyara!' Napilitan kaming medical team na bigyan siya ng pampatulog."

Napako ulit ang tingin niya kay Asce. Maniniwala ba siya sa nurse? Eh bakit naman ito magsisinungaling? Pero bakit din siya hahanapin ni Asce?

'Huwag mo akong iiwan, Miyara...'

"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon