Chapter 17: Getting Over Me

2 1 0
                                    

"Nako, thank you talagang nandito ka, Nagaraya. At least nakakapagpahinga na kami. Wala na yatang balak magpahinga iyang si Gardo eh."

Nginitian lang ni Miyara ang mga teammates ni Gardo at nagsimula nang maghanda ng tubig at towel. Sa two weeks niyang pagsama sa mga ito, two weeks na rin siyang napapagod ipaliwanag sa mga baluktot nitong dila ang pangalan niya. So far, hansabe pa rin ni Ryan Bang ang unawaan nila.

"Gardo, tama na 'yan!" tawag niya kay Gardo na nagdi-dribble pa rin. "Lunch na po!"

"Isa na lang, Ma'am!" At ishinoot nga ang isang three-point shot. "Para sa'yo!" Sabay kindat.

Lumapit na siya rito at iniabot ang isang bottled water. Hindi pa rin ito titigil panigurado kahit ilang "last na!" ang sabihin nito. Sobrang passionate nga nito sa basketball. Kailangan pa niyang manghila most of the time para mapakain ito. Paano pa kaya noong isang linggong ginutom nito ang sarili nito? Ipinilig ni Miyara ang ulo. Eto na nga eh! Bumabawi na nga eh noh!

Ang nagiging motto na lang niya: alagaan, pakainin, siguraduhing nagpapahinga at makakabawi na siya kay Gardo. Hindi na niya kargo de konsensiya na nakasira na naman siya ng buhay.

Iniabot niya kay Gardo ang rice meal na inihanda ng mama niya. Pahinga muna ito sa trabaho kaya nakakasama niya pa ito sa bahay. "Ubusin mo 'yan."

"Wow, ang sarap naman nito, Babe!" parang batang sabi ni Gardo. "Subuan mo na 'ko, please..."

Nagpanting ang tenga ni Miyara. Heto na naman po tayo. "Una, Gardo, hindi babe ang pangalan ko. Hindi rin Nagaraya kundi Miyara. Pangalawa, hindi mo 'ko girlfriend kaya hindi kita susubuan."

Tumahimik si Gardo at nagsimula na lang kumain. Tumingin siya sa malayo.

"Eh pwede naman kasi..." pagkuwan ay sabi nito.

Umiling si Miyara. "Hindi puwede. Napag-usapan na natin ito, 'di ba?" Feeling niya talaga minsan, nasa music video sila ng Ikot Ikot by Sarah G.

Nalaglag ang balikat ni Gardo. Pinunasan niya ng towel ang pawis nito sa noo.

Ang sweet ba? Actually, mapaklang-mapakla nga itong ginagawa niya para kay Gardo. Syota o jowa na ang term sa kanya ng marami sa ginagawa niya, pero itinuturing lang niya ang sarili bilang isang illegit nurse. Na may pasyenteng hindi raw kakain ng lunch kung hindi galing sa kanya. Oo, wala na siyang pakialam sa breakfast at dinner nito dahil dapat sa bahay na ang mga iyon. Halos tumira na si Gardo sa gym para sa tournament noong isang linggo. Nanalo ang EU over sa kalabang university. Ang laki raw ng naitulong ng 'foods' niya kapag inuuto siya ng mga teammates nito.

Napag-usapan na nila ni Gardo na ayaw na niya rito. Hindi nawala ang paghanga niya rito pero ayaw na niyang lumalim pa ang relasyon dito. Deep inside, alam niyang hindi lang iyon sa pambabae ni Gardo. Hindi pwedeng maging sila ni Gardo hanggat may iniisip pa siyang iba. Oo, naaapektuhan ulit siya ni Asce. At ayaw naman niyang matulad sa Thinking of You ni Katy Perry ang story nila. 'Coz when I'm with him (Gardo), I am thinking of you (Asce). Hindi niya masikmura iyon. She can't stomach.

Pero sa hindi malamang dahilan, ayaw siyang pakawalan ni Gardo. Ang sabi nito, seryoso na ito sa kanya. Kahit ayaw niya itong paasahin, hindi rin pwedeng iwan niya ito. Isang beses na nagkaemergency siya sa isang subject niya ng lunch time at hindi nga siya nakapaghatid ng food kay Gardon, nabalitaan na lang niyang hindi nga kumain si Gardo ng araw na iyon. Obsessed lang? Tinatawanan niya lagi ang naiisip niyang iyon. Pero natatakot talaga siya para sa kalusugan nito. Yun lang.

"Babe, magpapa-tryouts pala si Coach ngayon," sabi ni Gardo pagkatapos kumain. "Tatanggap ng lima para ma-train sa team."

Niligpit niya ang lunchbox at nag-abot ng T-shirt. "O magbihis ka muna, 'di ba may klase ka ng 1:30?"

Tumayo ito at kinuha ang damit. "4pm yung tryouts pero hanggang 4:30 pa ang klase ko eh."

Tumayo na rin si Miyara. Tapos na ang trabaho niya for the day. "O ano naman yun? 30 minutes ka lang na male-late."

Nagsimula na silang maglakad paalis ng gym. "Eh gusto ko kasing mapanood ng buo yung mga bagong players ng team. Hanggang 5pm lang yun, eh di kalahati lang maaabutan ko."

Napakunot ang noo ni Miyara. "Ano bang gusto mong gawin ko?"

Tumigil si Gardo at tinanggal ang crease sa forehead niya. "Pumunta ka ng 4pm tapos pwede bang paki-videohan?" Iirap na siya pero biglang "Please?"

Iiling na si Miyara kaso may magic word eh. Kahit dismissal na yun at hassle na sa kanya, ano naman yung 30 minutes para sa favor ng kapwa niya tao? Okay, purely pantao na lang talaga ng tanging relasyon niya kay Gardo.

"Sobrang importante nito sa akin bilang next year's Team Captain kapag nagretire sa team yung mga tanders. Yung mga baguhan are the ones who will make or break the team. Dapat kilala ko sila from the times na nag-tryouts sila."

Siya namana ng tumigil para tanggalin ang crease sa forehead nito. Kinuha ni Gardo ang kamay niya at hinawakan lang iyon. Ngumiti lang siya. "O sige na nga."

Sumeryoso bigla ang mukha nito. "Sorry talaga, Mimi ah. Please give me another chance."

Naglakad na uli si Miyara. "Okay."

"Maghihintay ako..."

"Okay."

"Kung kailan ka na ready..."

"Okay."

"Kahit gaano katagal..."

"Okay."

Nilingon niya si Gardo. Sobrang lungkot ng mukha nito. Huminga ng malalim si Miyara aka niyakap ito.

"It's okay, Gardo."

"It's not...okay."

"Shhh, you'll get over me."

A/N: Aww ang sakit naman non!!! HAHAHA VOTE KAYO PLS AND COMMENT IF YOU'E READING!! THANKSSS

"Supposedly a Summer Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon