"Kung Pwede" by Rynchfimia
D I S C L A I M E R
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, business, establishments, events, or locales is entirely coincidental.
Plagiarism is a crime punishable by law.
COPYRIGHT © 2024 by Rynchfimia
All rights reserved including the right of reproduction in whole or in part of any form.This story is not professionally edited. Expect some typographical and grammatical errors ahead.
————
Sa buhay natin, hindi nawawala ang mga 'what ifs', mga 'sana', mga pagbabaka sakali. Sila ang dahilan kung bakit tayo sumusubok. Isang napakatapang na hakbang ang subukan ang minsan ay mahirap, malabo, o 'di kaya ay mga bagay na walang kasiguraduhan kung magiging maayos ba ang kalalabasan.
Subalit, marami ring mga bagay na hindi na kailangan pang subukan para malaman. Dahil minsan kahit hindi mo pa naman sinusubukan ay sasampalin ka pa rin ng reyalidad, ng katotohanan — na alam mong pagsisisihan mo lang sa huli.
Lagi tayong kumakapit sa isang himala. Ang iba ay kumakapit sa pag-asa. Marami pa rin ang naniniwalang ang lahat ay pwedeng gawing posible.
Kung pwede, bakit hindi natin subukan?
Kung pwede, bakit ka matatakot lumaban?
Kung pwede, bakit ka magsasayang ng isang pagkakataon?
Kung pwede, bakit kailangan pang patagalin ang panahon?
At kung pwede, bakit hindi pa ngayon?Isa lang ang masasabi ko. 'Wag tayong matakot magmahal. Manghawak tayo sa konsepto ng pag-ibig.
Hindi man palaging maganda at tiyak ang mga nangyayari sa tuwing nagmamahal tayo, naniniwala akong may nag-iisang tiyak sa isang libong duda — ito ay ang mga aral na habambuhay nating bibitbitin dala ng pag-ibig saan man tayo mapunta.
Ako si Vincent at ito ang kuwento ng aking pag-ibig.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...