Nakatingin lang ako sa mga pictures nilang dalawa na kalat ngayon sa social media.
Pinapaulanan sila ng mga congratulations. Nakangiti ako. Masaya ako para sa kanila.
Pero pumapatak ang luha ko. Fuck!
Baka tears of joy. Really? Ironic!
"Kumain ka na. 'Wag mong gutumin 'yang sarili mo."
Napatingin ako sa babae na ngayon ay nakaupo sa harap ko.
"Am I that coward? Duwag ba ako masyado kaya hindi man lang ako gumawa ng paraan para mapasaakin siya?"
Tumayo ito at tinapik ang likod ko. "I said what I said before. I told you to take the risk but you didn't."
"Because I know that I am not the one who he likes. Na kahit naman sabihin ko, alam kong walang mangyayari or worst baka layuan pa ako"
Bumalik muli siya sa pagkakaupo sa harapan ko. "But at least, hindi ka sana ganyan kalala masaktan kung may ginawa ka. Kung alam mo sanang may ginawa ka kahit papaano para malaman niya 'yang nararamdaman mo e'di sana hindi ka ganoon kaapektado".
She's right.
Maybe If I took the risk of telling him what I really feel for him, baka hindi ganito kasakit.
Siguro hindi ako masyadong nagsisisi ngayon.
I should have followed the girl's advice in front of me.
VINCENT'S POV
Mahimbing ang tulog ko. Nagising lang ang diwa ko nang makarinig ako nang kaluskos mula sa labas.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.
"RJ?" pagtawag ko kay RJ dahil wala siya sa tabi ko. "Love?"
Walang sumasagot. Bumangon ako sa pagkakahiga at pinihit ko ang doorknob at saka marahang binuksan.
Nakasindi ang ilaw sa sala pero walang tao.
Saan ba nagpunta ang taong 'yon?
Lumabas ako mula sa condo at naglakad ng ilang hakbang. Maya-maya pa ay may naaninag akong dalawang tao mula sa 'di kalayuan.
Naglakad pa ako para maaninag ko kung sino sila. Nang malapit na ako ay biglang hinalikan ng lalaki yung babaeng kasama niya.
Wait...
What the hell?
RJ?
and...
Olivia?
Anong nangyayari?
Napatingin sa akin si Olivia nang bahagya silang tumigil.
"Oh Vincent, nandyan ka pala. Sorry, gusto raw kasi akong makita ni Ricky."
Napatingin ako kay RJ. "Love..." Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin.
Nadudurog ako.
Hindi ako nilingon ni RJ, sa halip ay hinalikan niya si Olivia for the second time...
In
front
of
me!
"HINDI!" Malakas na sigaw ko.
"Vincent!" Malakas na pagyugyog sa katawan ko ang gumising sa akin. "Vincent, you're having a nightmare!"
Mabilis akong napabangon. Naghahabol ng paghinga. Pawis na pawis.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...