The Flashback of Chapter 1
Ricky John's POINT OF VIEW
Palakad-lakad lang ako dito sa condo ko. Imbes na nag-aalmusal na ako ngayon at may pasok pa ako pero ang ginagawa ko ay magmuni-muni.
Noong isang araw kasi ay nabanggit sa akin ni Vince(nt) na hindi pa siya nakakapunta sa mga sinehan. Simula nang araw na iyon, gabi-gabi kong iniisip kung paano ko ba siya yayayain manood ng sine.
Ilang segundo pa at nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang cellphone ko at nakatitig ako sa contact number ni Vince. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba siya o hindi. Ilang sandali pa at namalayan ko na lang na nagriring na pala ang cellphone niya dahil kino-contact ko na siya. Natagalan pa bago niya ito sinagot.
"Hello?". Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig nang marinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya.
"Hello pre. Nood tayo ng sine sa sabado. G ka ba?". Napabuga ako ng hangin nang maitawid ko yung sasabihin ko. Buti na lang hindi halatang kinakabahan ako.
"Ah pwede naman. Kaso wala akong pe—". Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.
"Okay lang yon. Libre ko na lang".
Ilang segundo na ang lumipas pero wala nang tumugon mula sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.
"Uy pre andyan ka pa ba?"
"Ah oo sige ba. Sabihin mo na lang kung anong oras". Napangiti naman ako sa loob-loob ko at napa-yey pa ako nang walang tinig upang hindi niya marinig.
"Sige sige. Ibababa ko na pre". Agad ko nang pinatay yung tawag dahil kapag tumagal pa pakiramdam ko ay sasabog na ako.
Masaya akong nagpunta sa banyo at naligo. Kumakanta-kanta pa ako habang sinasabon ko si little junior.
Nagpalit na ako ng uniporme at pumasok na sa school. Napag-alaman ko na wala palang pasok sila Vince ngayong araw kaya hindi ko na lang inimikan yung mga classmates ko maghapon hanggang sa makauwi ako sa condo.
Kinaumagahan, maaga akong naligo at nag-almusal. Nagpabango pa ako para hindi ako amoy kanal. Humarap ako sa salamin at saka ako ngumiti.
"Naks, napakapogi mo talaga Ricky John Quezon! Yun nga lang, sa pogi ka rin nahulog." Tumawa ako na parang isang baliw sa kuwarto ko nang mag-isa.
Kinuha ko na yung susi ng motor ko at bumaba na. Pasakay na sana ako at papatakbuhin ko na nang mag-ring yung phone ko. Tumatawag si Olivia.
"Hello?"
"Hello babe. Pwede mo ba ako sunduin ngayon? Kahit sabay na tayong pumasok." Pa-cute pa nitong wika.
"I'm sorry babe. I really have something to do now. Mamayang uwian promise, ako maghahatid sa'yo. Okay?". Dinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"Ano pa nga bang magagawa. Sige na bye. Take care." Hindi ko na sinagot pa yung sinabi niya at ibinaba ko na.
Pinaharurot ko na yung motor ko at nagpunta sa bahay nila Vince.
Ilang metro ang layo ko mula sa bahay nila. Medyo nahihiya kasi akong maghintay sa mismong harap ng bahay nila. Natotorpe ako ewan ko ba.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...