Chapter 23: Leaving Soon?

63 0 0
                                    

"Nga pala, nasabi na ba sa iyo ni RJ ang pagpunta niya sa ibang bansa?"

Natigilan ako. Napatulala. Para akong kinabig ng malakas na hangin.

Hindi ko mahanap ang eksaktong salita na gusto kong sabihin.

"Ano po?"

Napailing ito. "Mukhang hindi pa. Well, siguro RJ is the one who should tell you about that. Come on." Binuksan na nito ang pinto at sinenyasan niya akong lumabas na.

Lumabas naman ako sa kuwartong iyon na parang biglang ambigat ng loob ko.

Anong sinabi niya ulit?

Ibang bansa?

Si RJ aalis?

Pagkababa ko sa sala ay naroon na si RJ na naghihintay. Nakasunod pala sa likod yung mama niya.

"Let's go?" nakangiting wika nito. Wala sa wisyo akong tumango. Napatingin ito sa likod ko.

"Ma, aalis na po kami. Pakisabi na lang kay Papa na umalis na kami."

"Mag-iingat kayong dalawa," dinig kong tugon niya.

Lumingon ako sa likod ko. Ngumiti ako kahit na dapat ay hindi. "Aalis na po kami," nauutal kong sabi. Tumango naman ito at ngumiti.

Nang maglalakad na kami palabas ng pintuan ay biglang tumakbo palapit sa akin si Nana Aurora dala ang isang maliit na kahon.

"Vincent, pabaon ko 'to sa'yo. Ubusin mo 'yan ha." Inabot niya sa akin yung isang karton ng cookies.

"Maraming salamat po Nana." Niyakap ko siya nang mahigpit at saka na kami nagpaalam.

Nagbiro pa si RJ kay Nana na ako na lang daw ang alaga niya dahil ako lang ang paborito niya. Nagtawanan na lang kaming lahat pagkatapos.

__________

Padilim na rin ang paligid nang binabaybay namin ang daan pabalik sa amin.

Habang tumatakbo ang motor ay napakaraming tumatakbong mga bagay sa utak ko.

Aalis si RJ?

Pupunta siya ng ibang bansa?

Anong gagawin niya roon?

Paano na ako?

Paano na kami?

Tatapusin na ba namin ang mayroon kami?

"Love, you okay?" Napakurap ako habang patuloy siyang nagmamaneho.

"Ah oo naman. Bakit?"

"Tinatanong kita kung anong nararamdaman mo ngayon pero 'di mo naman ako sinasagot"

Napabuntong-hininga ako. "Inaantok lang ako," pagsisinungaling ko.

Bakit hindi niya pa sinasabi sa akin?

Kailan niya yun balak sabihin?

Naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko kahit anong oras ay iiyak ako rito. Kung pupunta siya ng ibang bansa, maiiwan ako rito. Maiiwan akong mag-isa.

Iiwan niya ako.

Hindi muna kami umuwi sa bahay. Idiniretso niya ang sasakyan sa condo niya.

Hindi ako umiimik. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay gagaralgal ang boses ko at iiyak na lang ako sa harap niya.

Kinakausap niya ako pero puro tango at iling lang ang tugon ko. Tinatanong niya ako kung anong problema pero sinasabi ko lang na wala.

Gusto kong siya ang magsabi.

Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now