Araw ng Linggo
Tama, araw na ng Linggo. Ambilis 'di ba.
Nandito pa ako sa condo ni RJ ngayon — ikaanim na araw ko na. Nakahiga pa ako sa kama habang may nakaguhit na ngiti sa labi ko.
Masaya ako ngayong araw. Nae-excite. Hindi ko alam paano ipapaliwanag yung tuwa na nararamdaman ko ngayon — basta masaya ako.
Noong mga nagdaang araw ay halos wala naman nang ginawa sa school. Pumapasok lang kami para makipagkwentuhan sa mga kaklase at kaibigan. Sinabihan nga rin pala kami na alas-4 ng hapon ay dapat nasa school na kaming lahat para maagang makaalis.
Noong una ay sinabi nila na ayos lang magkakahalo ang bawat strand sa bus at sa mga room sa venue pero kalaunan ay binawi nila ito at sinabing per strand ang magkakasama. Nalungkot man ako dahil hindi kami magkasama ni RJ ay mas nangingibabaw pa rin naman ang tuwang nararamdaman ko.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.
"Love, kain na tayo," mahinahong wika ni RJ. Napabangon naman ako sa kinahihigaan ko at saka nagbigay ng matamis na matamis na ngiti.
"Good morning, Love!" masiglang wika ko at saka ko binuksan ang dalawang braso ko — nanghihingi ng yakap.
Ngumiti naman ito. Lumapit ito sa akin at saka ako niyakap.
Nakagagaan ng loob. "You really in love with me ha," wika niya.
"Ikaw kaya ang baliw na baliw sa akin," natatawang tugon ko naman.
"Whatever!" Natawa na lang ako nang umirap ito na parang babae. Lumabas na kami pareho sa kuwarto at nagtungo sa dining area.
Nagutom tuloy ako lalo dahil sa mga nakahain. Angsasarap.
Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si RJ. "Love..."
"Uhm?" tugon ko.
Sandaling katahimikan. Hinihintay ko ang sasabihin niya.
"Normal lang ba?"
Napakunot ang noo ko. "Normal lang ang alin?"
"Yan," turo niya sa akin. "Na kahit bagong gising ka at wala pang ayos halos ay nakabibighani ka."
Nawala ang kunot ng noo ko at napalitan ng nahihiyang ekspresyon. Umiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Sumubo lang ako nang sumubo at narinig ko naman ang mapanuksong tawa ni RJ. Napapahawak pa ito sa tiyan niya dahil sa kakatawa. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit ako sa kaniya na panay pa rin ang tawa at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. Natigil ito sa pagtawa — nanigas, naestatwa.
Dahan-dahan itong tumingin sa akin. "Ah.." nauutal na wika niya. Ako naman ngayon ang ngumiti sa kaniya at saka na bumalik sa pagkakaupo at nagtuloy sa pagkain. Tahimik lang na sumunod ang tingin niya sa akin.
Napahalakhak naman ako ng tawa nang tingnan ko siya ay para na siyang kamatis na hinog sa pula.
"I know your weakness Ricky John Quezon. Don't play with me," natatawang wika ko at saka na kumain.
__________
Tanghali na at katatapos lang din namin ni RJ na kumain ng lunch.
"Love, 'di ka pa ba maliligo?" tanong ko dahil preskong-presko pa siyang nakahiga sa sofa sa sala at nanonood ng TV.
"Mauna ka na, Love," tugon niya habang hindi ako tinatapunan ng tingin.
Tumango na lang ako at saka bumalik sa k'warto. Kumuha ako ng tuwalya at saka na ako mabilis na pumasok sa banyo. Hinubad ko na ang damit ko.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...