"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"
Itinigil ko yung ginagawa naming crochet at saka ako tumingin sa kaniya.
Nandito kami ngayon ni Jonathan sa bahay nila at kasalukuyang gumagawa ng ibebenta namin para sa Entrepreneurship namin.
"Wag kang mag-alala dahil pagpapanggap lang naman ang gagawin natin. Gusto ko lang malaman kung gusto ako ni RJ."
Ngumiti nang tipid si Jonathan at akmang may sasabihin pa siya pero hindi na niya ito itinuloy.
__________
"Kailan mo balak simulan ang fake dating stage natin?"
Tapos na naming gawin yung keychain na crochet namin at angcute ng mga kulay nito. Attractive sa mata at paniguradong maraming bibili nito.
Iniligpit ko muna yung mga kalat namin bago ako tumingin kay Jonathan at sinagot yung tanong niya.
"Kahit kailan mo gusto."
Nahiga ako sa sofa at ipinikit ko ang mata ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at kailangan ko munang umidlip. Chineck ko yung oras at ala-una pa lang naman ng tanghali. Kahit mamaya ako umuwi.
Ipinikit ko ang mata ko para umidlip pero pagpikit ko ay mga imahe ni RJ ang nakikita ko. Mga imahe naming dalawa habang nakaangkas ako sa motor niya at nakakapit ako sa bewang niya.
Biglang may pumaltik sa noo ko kaya napasimangot ako at iminulat ko ang mga mata ko.
Isang anghel...
Isang anghel ang nakikita ko. Sobrang tikas niya at parang anghel ang mukhang nakatingin sa akin mula sa pagkakahiga ko.
"Vincent Dale Requizo, I love you so much! May I kiss you?" Nagulat ako pero agad na sumilay ang ngiti sa aking labi. Mabilis akong napatango at dahan-dahan siyang bumaba para maabot ako sa kinahihigaan ko. Dalawang inches na lang ang pagitan ng aming mga mukha nang magsalita ito dahilan para mas maadik ako sa bango ng hininga niya. Ugh! Bakit ka ba ganito ka-hot Ricky John Quezon!
"Do you love me, too?" Kusa na lang tumango ang aking ulo at kitang-kita sa mga mata niya ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha kaya naman ipinikit ko rin nang dahan-dahan ang aking mga mata at ngumuso pa ako. Ilang segundo na lang at lalapat na ang kaniyang labi sa labi ko nang...
"Pre? A-anong ginagawa mo?" Napamulat ako nang marinig ko ang boses niya. Agad akong napaupo sa kahihiyan. Ano bang mga naiisip ko at ini-imagine kong nagcoconfess siya sa akin and I was expecting him to kiss me.
I can't!
"Ah? Ano... ahm" 'di ko alam kung anong isasagot ko. Pakiramdam ko matutunaw na lang ako sa hiya rito. Bakit ba kasi siya nandito ngayon at paano siya nakapasok?
Napatingin ako sa pintuan at nakabukas iyon.
Kaya pala
"Nevermind. Cute ka naman." Tumawa ito at saka siya umupo sa tabi ko.
Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya. Pakiramdam ko kasi pulang-pula na ako ngayon. Inilibot ko ang aking mga paningin at hinahanap si Jonathan pero wala siya.
"About yeste—"
"Pareng RJ, andito ka pala!" singit ni Jonathan na kapapasok lang sa bahay galing sa labas at may dalang isang supot ng lugaw.
"Ah susunduin ko na sana si Vincent. Mukhang tapos naman na kayo sa ginagawa niyo. Tama ba?"
Napangiti naman si Jonathan at saka inilapag sa maliit na lamesa sa sala yung hawak niyang supot.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...