"What are you smiling at?" Tanong ni ate sa akin.
Tiningnan ko siya at saka ako huminga nang malalim.
"I'm just having some mixed emotions now."
"Have you told him already?"
Umiling ako. "Not really..." Umupo ako sa harap ng study table ko. "...but I think I can now move forward."
Hinawakan nito ang aking balikat at saka siya ngumiti. "It takes time to finally heal your wounds and regrets. I am so proud of you. Napakatotoo ng puso mo, little bro."
Hinawakan ko naman ang kamay niya na nasa balikat ko. "Thank you, ate. I'll be better soon."
__________
VINCENT's POV
Pagkadating namin sa school ay kaniya-kaniyang uwi na kami. Hinintay ko pa si RJ para magpaalam.
Kinukumbinse pa niya akong sa condo na muna niya ako umuwi kaso sinabi kong kailangan kong umuwi ng bahay dahil nami-miss ko na rin ang bahay namin. Sa huli ay pumayag din lang siya. Nagpaalam na rin ako kay Jonathan na medyo weird.
Nag-fist bomb pa sila ni RJ.
Weird.
Are they in good terms na?
Pagkauwi namin ni ate Joana sa bahay ay agad akong pinaulanan ng yakap at halik ni mama.
"Si mama naman ginagawa na naman akong baby," atungal ko.
"Namiss ko lang ang baby boy ko."
"Hindi na ako baby boy, Ma," simangot kong wika.
Natawa na lang naman ito at ipinaghanda pa kami ni ate ng pagkain.
Kinaumagahan, araw ng Miyerkules, kahit antok na antok pa ako ay napilitan na akong bumangon dahil sa bungangera kong ate slash pangit.
"Apakaingay! Kitang natutulog pa ang tao eh!" Inis na wika ko habang tinutupi ko ang kumot ko.
Lumapit ito sa akin at saka hinawakan ang baba ko at ipinaharap sa kaniya. "Anong ginagawa mo?"
"Tao ka pala talaga, akala ko kasi tae." Agad ko siyang pinitik sa noo kaya piningot naman niya ako.
"Bosit ka talaga!" sigaw ko at saka na ako tumakbo palabas ng kuwarto.
__________
Nandito na kami ni RJ sa school. Kakaunti pa lang ng tao.
"Kumain ka ba ng umagahan?" pagtatanong ko
"Not really."
Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya hinila papunta sa canteen. "Anong ginagawa natin dito?"
"Baka sasayaw?" pilosopong tugon ko at saka ako umorder ng siomai rice. Iniabot ko sa kaniya yung isa at saka ko siya niyaya na maupo muna roon sa canteen.
"Umagang-umaga pinapakilig naman ako ng Love ko na 'yan," sumubo ito nang nakangiti.
Napailing naman ako nang natatawa, "Kumain ka na lang d'yan."
Habang kumakain kami ay pinagmamasdan ko si RJ. Hindi kasi mapakali ang kaniyang mga mata. Para siyang may gustong sabihin.
"Ah Love..."
Napatingin ako sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sasabihin.
Nakatingin lang ito sa akin. Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig. Ilang segundo pa ay itinikom nito ang kaniyang bibig.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...