Chapter 6: Tagu-Taguan

136 6 13
                                    

Ala-singko pa lang ng umaga ay naglalakad na ako palabas ng condo ni RJ. Hindi ako lumikha ng kahit anong ingay dahil ayaw kong magising siya. Hindi na rin ako nag-iwan pa ng notes. Ini-set ko rin sa airplane mode yung phone ko para hindi niya ako macontact.

Simula kagabi ay hindi na ako nakatulog nang maayos sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Punong-puno ang utak ko ng mga katanungan. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na mayroon din siyang gano'n o siya talaga si 'secret admirer'. Pero sa paanong paraan? Hindi niya akong p'wedeng mahalin higit pa sa pagkakaibigan. Of course gusto ko rin yun pero ngayong mas nagiging malinaw sa akin ang lahat, natatakot ako na kapag pinasok naming dalawa ito at sa huli ay hindi naging maganda ang kalalabasan ay baka mas masira lang lahat ng nabuo naming samahan.

Hindi ako handa sa oras na masira lang kaming dalawa. Hindi ko kaya 'yon.

Niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin pagkababa ko sa building kung saan naroon ang kaniyang condo.

Napapikit ako sa kawalan. Hindi ko alam kung tama 'tong desisyon ko pero gusto ko munang 'wag kaming magkita at mag-usap ni RJ para makapag-isip ako nang maayos. Kailangan ko ng space sa mga oras na ito.

May kalayuan man ang condo niya patungo sa bahay namin pero hindi ko yun inalintana dahil malamig naman ang paligid. Hinayaan ko ang sarili kong maglakad lang hanggang makarating ako sa bahay.

Naabutan ko si papa na nasa sala at may hawak na diyaryo. Nagkakape ito. Napatingin ito sa akin nang makapasok ako.

"Maaga kang umuwi anak. Kasama mo ba si RJ?"

Umiling lang ako at dumiretso ako sa kuwarto namin ni ate. Narinig ko pa na dumaing si papa kung ano raw ang problema ko pero hindi ko na iyon tinugunan pa.

Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay nakita ko si ate na nakaupo sa study table niya at nakaharap sa salamin niya. Nag-aayos na ito para pumasok.

Humarap ito sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko.

"Vincent, hindi ka ba papasok?"

"Pwede bang paki-excuse na lang ako sa teacher namin? Masama ang pakiramdam ko ngayon ate."

"Naks. Anong ginawa ni'yo ni RJ sa magdamag?" Nanunukso ang kaniyang tingin pero tamad ko lang siyang pinasadahan ng tingin.

"Ate, 'wag ngayon please. Gusto ko lang magpahinga. 'Wag mo muna akong biruin." Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinikit ko ang mata ko. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Gusto ko lang mag-isip-isip sa ngayon. Masiyado akong naguguluhan sa mga nakikita ko.

Paidlip na ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni ate sa uluhan ko. Humalik pa siya rito.

"Aalis na ako. Kumain ka na kapag nakaluto na si mama." Hindi na ako nagsalita hanggang sa marinig ko ang paglabas niya mula sa kuwarto.

Napangiti ako. Lagi kaming nagbabardagulan ni ate at nag-aasaran nang kung ano-ano pero kapag sinasabi kong masama ang pakiramdam ko o 'di kaya ay may sakit ako ay nararamdaman ko rin talaga ang pagiging kapatid niya sa akin.

Hinayaan ko na lang ang sarili kong antukin.

"May nangyari bang hindi ko alam 'nak?" Tanghali na nang magising ako at tanging si mama na lang ang kasama ko rito sa bahay dahil pumasok na rin sa trabaho si papa.

"Wala po." Tugon ko lang.

"Hindi ka makakapagsinungaling sa akin Vincent. Sabihin mo na sa akin."

Huminga ako nang malalim bago ako tumingin sa kaniya.

"Ma, naguguluhan kasi ako sa mga ikinikilos ngayon ni RJ."

"Gusto mo siya anak, hindi ba?"

Napatingin ako sa kaniya pero hindi ako umimik. "Nanay mo ako. Alam ko at ramdam ko kung anong sinasabi ng puso mo. At walang masama sa nararamdaman mo anak. Nagmamahal ka lang."

Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now