Ricky John's Point of View
Sabi nila, love is the foundation of everything. Noong una, hindi ako naniniwala. Over the years, lagi na lang akong walang gana sa lahat. Lahat ng lumalapit sa aking mga tao ay nirereject ko everytime they confess their admirations for me.
But it has changed when I met him.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ko yung tinatawag ko dating "corny" — ang pag-ibig. Sa unang pagkakataon, parang nagsisitakbuhan ang mga kabayo sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng mga paruparo sa tiyan ko.
At sa unang pagkakataon, naranasan kong palihim na ibigin at hangaan ang isang tao mula sa malayo.
Napahawak ako sa mukha ko nang mapagtanto kong nakangiti pala ako habang nakatitig sa cellphone ko — sa picture ng couple bracelet na suot naming dalawa ni Vincent.
Sinampal ko ang sarili kong mukha at saka na pinatay ang cellphone ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama ko.
"I hate you, LOVE! You are making me crazy. Ugh!" bulong ko na lang sa sarili ko at saka ko tinakpan ng dalawang palad ko ang aking mukha.
__________
VINCENT's POV
"Ano bang gagawin mo?"
'Yan ang tanong sa akin ni ate Joana. Pagkapasok na pagkapasok ko kasi sa bahay pagkatapos akong halikan ni RJ ay agad ko siyang kinulit at hinihiram yung laptop niya kaso nagrereklamo ito dahil ginagawa niya pa raw yung project nila.
Sa huli ay hindi niya rin lang ako pinahiram kaya naman lumabas na lang ako para maghanap ng computer shop.
Ala-siyete na ng gabi nang may makita akong bukas pang computer shop. Pagkapasok ko ay maraming mga naglalaro pero meron pa namang bakante kaya pumunta na lang ako doon at naghulog ng piso — piso net kasi ito.
Agad akong nagpunta sa google at parang tanga na ini-search ang...
"NORMAL LANG BANG MAGHALIKAN ANG MAGKAIBIGAN?"
Ilang segundo pa akong nakatitig sa screen bago ko ito tinap para ma-search.
Kaso wala namang lumabas na kasagutan sa tanong ko.
Lumabas na lang ako pagkatapos ng oras ko mula sa computer shop at umuwi na gulong-gulo pa rin ang isip ko.
Isang katangahan na naman ang ginawa ko. Ngayon ko lang napagtanto na puwede naman pala akong magsearch sa phone ko. Antanga Vincent.
"Kumain ka na? Saan ka galing?"
"Sa labas. Nagpahangin lang." Dumiretso na ako sa kwarto namin ni ate at sumunod naman siya.
"Tapos ko na gamitin yung laptop ko. Gamitin mo na kung gusto mo." Naglakad ito papunta sa kaniyang kama pero natigil ito nang hindi ako kumibo at tahimik lang na nakaupo sa kama ko.
"Ayaw mo? Edi—"
"Normal lang bang maghalikan ang magkaibigan?"
Napakunot ang noo niya. Parang sa tingin niya ay sinasabi na niyang nababaliw na ako.
"Siyempre hindi. Bakit naman maghahalikan ang magkaibigan. That's too far noh duh." Tumalikod na ito sa akin at saka humiga.
Hihiga na sana ako nang bigla itong napasigaw at bumangon. Mabilis itong tumakbo palapit sa higaan ko at saka ako yinugyog.
"Aray ate ano ba!"
"Hinalikan ka siguro ni RJ pogi ano! Umamin ka!"
"Hindi noh! Bakit nama—"
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...