Epilogue

121 0 0
                                    

A/N: Una sa lahat, I wanna express my gratitude to Bright and Win for being my top inspiration to create this novel. I will support their careers individually, still. To my few supporters and friends especially to Louie and Rodylen, I owe you a lot. And to all my support system and those who believe in me, thank you so much.

----

6 years later

"Magandang umaga po," bati ng mga estudyante pagkaraan ko sa hallway ng paaralan kung saan ako ngayon nagtuturo at ito rin ang dati kong paaralan noong hayskul. Ngumiti ako at saka bumati pabalik.

Halos isang taon na rin akong nagtuturo at ngayon nga ay isa na namang taon ang nagbukas para sa panibagong pasukan. Noong naging ganap na guro ako ay bumalik ako rito upang balikan si Ma'am Ramirez subalit naidestino na ito sa ibang paaralan.

Pagkapasok ko sa classroom ay agad na tumahimik ang mga mag-aaral. "Good morning class."

"Good morning, Sir."

Umayos sila ng kanilang pagkakaupo. "Bring out your book and turn it on page 10."

Pagkalabas ng kanilang mga libro ay nagsimula na kaming mag-lesson.

__________

Hapon na at kasalukuyang nagsisiuwian na ang mga mag-aaral. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at tahimik na pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng silid.

Tahimik

Napangiti ako. Parang dati lamang ay pangarap ko lang ito - ang tumayo sa harapan ng mga estudyante at magbahagi ng kaalaman. Heto na ako ngayon, natupad ko na ang pangarap na iyon.

Naglakad na ako palabas ng classroom at maingat na ikinandado ang pinto nito.

Nagpunta na ako sa parking lot. Akmang hahawakan ko na ang pinto ng kotse nang may biglang naunang kamay na humawak nito.

Mabilis akong napalingon dito. Nakangiti ito sa akin nang malapad.

"Than? Than!" Mabilis akong yumakap kay Jonathan.

"Kumusta ka na?" tanong ko pagkakalas ko sa yakap. "Ayos naman. Ikaw, kumusta ka? Stress ka na ata sa dami ng paperworks mo at hindi mo man lang narinig na tinatawag kita."

Napakunot ako ng noo. "Tinatawag mo pala ako. Pasensya na, marami lang akong iniisip."

Tumango naman ito. "Ayos lang, Sir." Siniko ko naman siya at natawa.

"Buti naisipan mong umuwi."

Napailing ito. "Dinalaw ko lang sila mama sa bahay at babalik din ako agad sa Maynila. Dinaanan lang kita rito para kumustahin."

Napatango ako. Nagtatrabaho si Jonathan ngayon sa isang kilalang kumpanya sa Maynila at bihira lang itong umuwi sa kanila o kung uuwi man ay parang katulad lang ngayon na babalik din agad. Noong huli kaming nagkita ay kumain kami sa labas at namasyal.

"Hindi ka pa ba aalis? Baka abutan ka pa ng dilim sa daan."

Tumango naman ito. "Oo nga pala. Hayaan mo, 'pag may oras ulit ako kain ulit tayo sa labas." Tumango naman ako.

"Sige na. Uuwi na rin ako." Ngumiti ito. "Sige Vincent. Mag-iingat ka"

"Ikaw din."

Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now