"Sarap ng tulog ha! Late ka na tanga!" Malakas na sigaw ang gumising sa akin kasabay ng paghampas sa akin ng unan."Ano ba ate! Kairita ka naman!" atungal ko. Nakapamewang pa ito. "Bumangon ka na diyan!"
Napatingin ako sa kama niya. Wala na kasi doon si RJ. Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na ang ate kong inggitera.
"Maaga siyang umalis. Hindi ka na ginising. Lakas kasi ng hilik mo." Umirap pa ito.
Ano bang problema ng babaeng ito at umagang-umaga eh parang pinagsakluban ng langit at lupa? Bumangon na ako at napatingin ako sa orasan. Maaga pa naman. Kinusot ko ang mata ko napatingin ako kay ate na sinusuklay ang kaniyang buhok.
"Ate bakit ba ang init ng dugo mo sa akin ngayon?"
Humarap ito sa akin at saka may inabot siya sa aking keychain.
"Hindi ako galit sa'yo! Sa kaibigan mo! Sino 'yang babaeng 'yan ha?" Para siyang bata na nagmamaktol. Inabot ko yung keychain na binibigay niya.
"Saan mo 'to nakuha?"
"Sa kama ko. Baka naiwan niya. Hmf!" Umirap ulit ito.
Tiningnan ko yung keychain. Isa itong crochet na hugis puso at nakaukit ang pangalan ng isang babae - VICKY. Vicky? Sino si Vicky? Wala naman siyang nababanggit sa akin na ibang tao.
"Hindi ko ito kilala. Wala siyang nakukuwentong ganyang pangalan," walang emosyong wika ko at nilagay ko yung keychain sa maliit na lamesa ko. Tumayo na ako at kumuha na ako ng uniform at tuwalya. Lalabas na sana ako at magtutungo na sa banyo nang tawagin ako ni ate Joana.
"Ano na naman?"
"Selos ka?" Nanunuksong tanong niya
"Mamatay ka na!" Sigaw ko at umalis na ako sa harap niya.
Bakit naman ako magseselos? Kahit magsama pa silang dalawa! Yawa!
Pagkatapos kong maligo ay nagpalit na ako. Inilagay ko sa bag ko yung keychain na naiwan ni RJ. Ibabalik ko na lang sa kaniya 'pag nagkita kami sa school. Kinuha ko yung chocolate na nasa bag ko pa pala.
"Oh patay gutom kong ate. Sa'yo na 'yan! Minsan lang ako mamigay ng blessings." Ibinato ko sa kaniya yun pero nasalo niya.
Ngumiti ito sa akin at parang may iba na namang gustong sabihin.
"What?" Iritang tanong ko. "Angganda mo pala magselos. Namimigay ka ng blessings." Tumawa ito nang sobrang lakas kaya itinaas ko ang middle finger ko sa kaniya.
"Mauuna na ako! Bye. Maligo ka na rin patay gutom!"
"Sorry not sorry. Wala akong klase ngayon. Bye." Ikinaway pa nito ang kamay niya para magbabye.
Umirap na lang ako at lumabas na ako sa kuwarto namin. Nagpaalam na ako kay mama. Maagang umaalis si papa sa bahay para magtrabaho kaya hindi ko na siya naabutan pa.
Hindi ako mahilig makisalamuha at makipag-usap sa mga classmates ko. Wala nga rin akong kaibigan sa klase and that's totally fine. Wala akong pake.
Nakasuksok na naman sa tainga ko yung earphone ko. Tumutugtog ngayon sa playlist ko yung kantang Night Changes ng One Direction.
Habang pinapakinggan ko yung kanta, hindi ko maiwasang mapaisip. Andami na rin palang nagbago sa amin ni RJ noh. From strangers to friends. Hindi ko na alam kung kailan yung huling beses akong nangarap na sana magtagpo ang mundo naming dalawa.
Gayunpaman, isa lang ang hindi nagbago - yun ay ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kung dati hinahangad ko lang siya noong 'di pa kami magkaibigan, ngayong magkaibigan naman na kami ay patuloy ko pa rin siyang ninanais. Pero ayos lang 'yon. Hindi naman lahat ng gusto natin ay dapat din tayong gustuhin. Hindi natin puwedeng pilitin ang isang tao na maramdaman din ang nararamdaman natin para sa kanila. Sometimes, we need to normalize one-sided love. After all, hindi naman sinabi ni RJ na gustuhin ko siya. Ako naman yun at wala siyang kasalanan kung hindi niya maibalik 'yon sa akin dahil sa una pa lang ay wala naman siyang alam sa nararamdaman ko at hindi naman din ako naghahangad ng kapalit. Ngunit kung pwede, gusto ko ring subukan pero mas nangingibabaw yung takot sa puso ko. Ayaw kong masira kung anuman ang mayroon kami ngayon.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...