Payapa akong nakaupo sa upuan dito sa loob ng mall. Ngayon ay Sabado at ngayong araw ang usapan namin ni Jonathan na pagbili ng mga materials na gagamitin namin sa crochet na keychain namin sa Entrepreneurship. Ngayong araw din sana ang araw na manonood kami ng sine ni RJ pero cinancel ko. Hindi ko alam kung sasama siya sa amin. Sinabi niya rin kasi noong may sakit siya na sasama siya. Ang kaso lang hindi ko alam kung matutuloy pa siyang sasama ngayon gayong hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya. Kahapon ay pumunta siya sa bahay pero hindi ko siya hinarap, nagtulug-tulogan lang ako upang hindi niya ako kausapin. Hindi rin naman siya nagtagal at umalis din agad. Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas pero isa lang ang tiyak ko, yun ay nahuhulog pa ako lalo sa kaniya at naguguluhan din ako kung ano na ba talaga ako para sa kaniya.
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at 30 minutes nang late si Jonathan sa pinag-usapan naming oras. Ang pinakaayaw ko pa naman ay ang maghintay nang matagal.
Ipinikit ko ang mata ko at isinandal ang ulo ko sa pader na nasa likod ng inuupuan ko. Hindi ko namamalayang nakaidlip na pala ako.
Nagising ako nang maramdaman kong may gumalaw na balikat. Iminulat ko ang mga mata ko at saka ako dahan-dahang tumingin sa katabi ko. Nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat niya kaya inilayo ko ito. Nang luminaw na ang paningin ko ay doon ko lang napagtanto na nandito na pala si Jonathan. Tumaas nang dalawang beses ang kilay niya nang magtama ang paningin namin.
"Mahimbing ang tulog mo. Pasensya na kung 'di na kita ginising. Pasensya rin kung na-late ako."
"Okay lang," tugon ko naman.
Tumayo na ito at saka inilahad ang kaniyang kamay sa harap ko.
Huh?
"Tara na."
"Tara na. But you don't have to do that." Tumayo na ako at nauna na akong maglakad sa kaniya. Nilampasan ko lang ang nakalahad niyang kamay kaya tumawa naman ito.
Nagpunta kami sa bilihan ng mga yarn. Nakasunod lang sa akin si Jonathan kaya tiningnan ko siya para hingan ng suggestions. Nagbigay naman siya at sa huli ay nakapili rin kami ng iba't ibang kulay na pwede naming ipagcombine.
Napatingin ako sa 'di kalayuan nang mapansin kong parang may nakamasid sa aming isang lalaki. Nakasuot ito ng kulay itim na jacket at itim na sumbrero. Nakamask din ito kaya hindi ko masyado makilala ang mukha niya. Nang makita niya akong nakatingin ay bigla itong tumakbo palayo sa kung saan.
Weird.
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isang bench dito sa loob ng mall. Bumibili si Jonathan ng makakain nang biglang may umupo sa tabi ko. Napatingin ako rito at huli na para makaalis dahil hinawakan nito ang braso ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" Siya nga yung nakamasid sa amin kaninang nakaitim.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko mahanap yung mga salitang gusto kong sabihin. Para akong napipi na lang bigla. Nakatitig lang ako rito at nakatingin lang din siya sa akin.
"Ahem!" Pekeng pag-ubo ang narinig ko kaya mabilis akong binitiwan ni RJ. Napatingin ako kay Jonathan na nakangiti ngayon.
"May hindi ba dapat akong makita?" Tanong niya habang ang ngiti niya ay nanunukso.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Nasaan yung binili mo?"
Napakamot ito sa ulo niya. "Nagbago ang isip ko. Kain na lang pala tayo sa restaurant. My treat."
"Wait! Kakain KAYO?" Seryosong tanong ni RJ at nakatingin nang matalim kay Jonathan. May diin pa ang pagkakasabi niya ng KAYO.
"Ah oo. Wanna join?" Nanunukso pa rin ang ngiti nito.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomantiekWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...