"Malaki ba?"
Naiirita ako sa boses ni ate Joana. Nandito kaming dalawa sa veranda ng bahay namin. Kaharap ko yung laptop niya habang siya naman ay ngumunguya ng apple.
"Napakadumi ng utak mo."
Pinagduduldulan niya kasi na nakita ko na raw ang little junior ni RJ. Iniisip niya kasing nakita ko raw yun noong gabing natulog dito sa RJ lalo nang pumasok siya ng kwarto at nagkataong nakahubad si RJ para isuot yung damit ko.
Speaking of damit, hindi niya pa binabalik yung damit ko. Hayaan mo na, masaya rin naman ako kapag nakikita kong suot niya yun. Para kasi kaming magkayakap.
"Asus. Fast talk. Magubat o hindi?"
"Wala"
"Mahaba o maiksi?"
"Wala!"
"Maitim o maputi?"
"Wala!!"
"Mapayat o mataba?"
"Wala nga!"
"Maugat o —"
"Manahimik ka o sisipain kita?!" Tumayo na ako at akmang aalis na nang hawakan niya ang braso ko.
"Seryoso na 'to. May tanong ako." Tiningnan ko siya
"Siguraduhin mong seryoso 'yan," inis na wika ko.
"Malaki ulo o hindi?"
"YAWA KA!" sinampal ko siya nang mahina kaya napaaray ito. Mabilis akong kumaripas ng takbo palayo sa kaniya.
Hindi pa sana ako papasok ngayon dahil wala pa akong klase hanggang 9:30 pero dahil sa inggitera kong ate ay napilitan tuloy ako. Ang ending tuloy, nakasalampak ako ngayon sa damuhan dito sa likod ng school habang naka-earphone.
Tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Agad ko itong binuksan at bumungad ang pangalan ni RJ.
"Nasa school ka na ba p're?"
Nag-type naman ako agad ng ire-reply ko.
"Oo. Nasa open field ako rito sa likod ng school."
"Sige. Hintayin mo ako d'yan"
"Ok"
Itinuloy ko na ulit yung pagsa-sound trip ko. Siguro ay okay na yung pakiramdam niya. Mabuti naman at kahit papaano ay bumaba na ang lagnat niya.
Habang nakikinig ako ng kantang With A Smile ng Eraserheads, may biglang umupo sa tabi ko.
"Wala ka na bang lagn—" Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko dahil paglingon ko, hindi si RJ ang nakita ko kun'di si Jonathan.
"Mukhang iba ang inaasahan mo Vincent ha," nakangiting wika nito.
Umiwas ako ng tingin. "Akala ko ikaw si RJ," tipid na sagot ko saka ako tumingin sa malayo.
"RJ pala pangalan ng kaibigan mo."
Tumango ako. Tinatamad akong makipag-usap sa kaniya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsa-sound trip pero bigla niyang tinanggal yun kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wag ka muna magsound trip d'yan. I need someone to talk with."
"Anong kailangan mo?"
"Lagi ka bang nagpupunta rito?" Tanong niya.
"Hindi naman. Pumupunta lang ako rito sa tuwing gusto ko ng kapayapaan. Eh ikaw?" Balik na tanong ko.
Bumuntong hininga muna siya at tumingin siya sa malayo. Parang sobrang lalim ng iniisip. Ang mukha niyang kanina ay todo ang ngiti ay napalitan na ng lungkot.
YOU ARE READING
Kung Puwede (BL Novel) - COMPLETED
RomanceWhen two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love each other beyond the friendship they have, is it fair for them to give their friendship a chance? Mee...