CHAPTER 16

42 1 0
                                    

AMARA POV

Maaga akong gumising upang pumasok sa school.
Habang pababa na ako tiningnan ko ang buong paligid baka nandito si Ash.

"Baka umuwi na 'yon."sabi ko sa aking sarili, hindi ko na pala namalayan na nasa tabi ko na si Lola.

"Si Ash ba ang hinahanap mo Apo?"nakangiting tanong ni Lola sa akin kaya iniwas ko ang aking tingin.

"Hindi po Lola, nga pala kumain na po ba kayo?"pag-iba ko ng usapan.

"Hindi pa nga Apo at saka hinihintay kita, sabay na tayo alam ko kasing may pasok ka ngayon."sabi niya.
Hayys ang bait talaga ni Lola sana naging totoo ko nalang siyang Lola.

"Tara kain na po tayo Lola."sabi ko at pumunta na kami sa dining area.

Habang kumakain kaming dalawa.

"Amara Apo sabi ni Ash sinabunutan ka raw ng Tita mo kahapon sa school."sabi ni Lola kaya napatingin ako sa kanya.
Haist napakachismoso pala ang Baklang 'yon.

"Totoo ba 'yon Apo?"tanong niya kaya tumango nalang ako.

"Bakit niya 'yon ginawa sayo? At saka hindi kana man nakatira sa kanila kaya wala siyang karapatan na saktan ka."sabi ni Lola kaya yumuko nalang ako.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Tita sa akin.

Siguro kung andon pa ako sa kanila, hanggang ngayon siguro impyerno parin ang buhay ko.

Pero mabuti nalang nakilala ko si Lola at Tito Matteo, sa kanila ko lang naramdaman ang tunay na pamilya.

"Hayaan nalang po natin siya Lola at saka hindi naman masakit ang ginawa niya sakin."sabi ko.

"Sa susunod Apo kung sino man ang gagawa niyan sayo, lalaban ka ayokong inaapi ka ng kahit sino kahit ang Tita mo pa 'yan."sabi ni Lola kaya tumango nalang ako.

Haist si Ash nga binubully ako hindi niya alam.

Isumbong ko kaya si Ash haha.

Hindi na nakakaawa naman.

"Tandaan mo 'yan Amara."sabi ni Lola.

"Opo Lola."nakangiti kong sabi.

"Mauna na po ako Lola sa school baka kasi ma lelate ako hehe."sabi ko kaya tumango naman siya.

"Ito baon mo kakainin mo 'yan ha."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Hello Lola college na ako, para na akong kinder garten nito naku.

"Dalhin mo 'yan baka magugutom ka mamaya."sabi ni Lola.

"Okay po, salamat po Lola."sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Mauna na po ako."sabi ko.

"Sige, mag-iingat ka Apo."sabi niya.

"Opo."sabi ko kaya lumabas na ako ng mansyon.

Nang nakalabas na ako agad kong nakita si Mike.
Teka? Anong ginagawa niya rito?

"Mike? Anong ginagawa mo rito?"tanong ko.

"Sinusundo kita."sabi niya.

"Pero-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Wala ng pero pero, pumasok kana rito para hindi tayo malate."sabi niya.
Haist! Ano pa nga ba ang magagawa ko sa isang Mike Lawrence.

Habang nagmamaneho siya ng kotse.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon