CHAPTER 29

23 1 0
                                    

Habang kayakap ko si Jhon na bigla nalang ako na nakahandusay na siya sa sahig at lahat ng mga tao sa resto ay nakatingin ngayon sa amin.

"Daddy?"gulat kong sabi kaya bigla niyang hinawakan ang aking kamay ng sobrang higpit habang si Mommy naman ay masama ang tingin sa akin.

"Bakit tinago mo na Boyfriend mo ang lalaking 'to!"sigaw ni Daddy at hindi ko na pala namalayan na sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Hindi ako makapagsalita dahil sa sitwasyon ngayon namin.
Ang nararamdaman ko lang ngayon ay takot.

"Magsalita ka Althea!"sigaw ni Mommy.

"Maghiwalay na kayo ng lalaking 'to! Wala siyang magandang buhay na ibibigay sa'yo!"sigaw ni Daddy na kinagulat ko.

"Pero Daddy nagmamahalan kami ni Jhon!"sigaw ko at bigla nalang akong sinampal ni Mommy kaya agad akong nilapitan ni Jhon pero binugbog siya ulit ng mga tauhan ni Daddy.

"Daddy tama na po!"sigaw ko habang umiiyak at napaluhod ako sa harap niya.

"Please Daddy!"umiiyak kong sabi.

"Matagal kana palang nagsisinungaling sa amin! Buong akala namin no'ng nag-aaral ka sinusunod mo ang gusto namin! Pero bakit mo sinuway ang lahat ng 'yon!"sigaw ni Mommy kaya napatayo ako at hinarap siya.

"Pwede ba Mommy! Malaki na ako! Alam ko na ang ginagawa ko pero bakit hanggang ngayon kayo pa rin ang masusunod! Anak ba talaga ang turing niyo sa akin o sunod-sunuran nalang sa lahat ng gusto niyo! Mahal na mahal ko si Jhon Daddy! Hindi niyo kasi nararamdaman!"sigaw ko kaya sinampal ako ni Daddy.

"Nang dahil sa lalaking 'yan sumasagot kana sa amin! Sa ayaw at sa gusto mo! Maghiwalay na kayo!"sigaw niya at hinila niya ako palabas ng Resto.

"Daddy! Please huwag mo namang gawin ito sa akin!"umiiyak kong sabi kaya bigla niyang hinawakan ang balikat ko nang sobrang higpit.

"Kung ayaw mong makaproblema tayo Althea! Sundin mo ang gusto ko!"sigaw ni Daddy habang ako naman ay iyak ng iyak.

AMARA POV

Nagising ako at syempre si Ash agad ang nakita kong nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Anong oras na?"tanong ko.

"9:30."sabi ni Ash.

"Gano'n ba."sabi ko.

"Nagugutom kana ba?"tanong niya kaya ngumiti nalang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Pinagluto kita ng paborito mong hotdog haha."sabi niya.

"Baliw!"sabi ko.

"Naalala mo pala 'yong hotdog ko haha."sabi niya habang tumatawa kaya bigla ko siyang binatukan.

"Syempre Oo! At saka ikaw pala ang kumuha noon ng bra ko sa cabinet."sabi ko kaya ngumiti siya.

Wait may naalala lang ako.

FLASHBACK

Maaga akong gumising pagkatapos ang nangyari kagabi si Ash kasi naligo sa cr kaya ayon nakita ko yung ano niya haha.

Baliw talaga ang lalaking 'yon pinapakialaman ang mga gamit ko.

Habang nagliligo ko.
Kinuha ko ang PHcare ko.

"Teka? Bakit kaunti nalang 'to?"tanong ko sa aking sarili.
Wait?

Baka ginamit ni Ash!

Teka?

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon