CHAPTER 5

1.9K 34 0
                                    

AMARA POV

Maaga akong gumising upang maligo at mag-ayos papunta sa school.

Sa gitna ng aking pag-aayos bigla na lang nagring yung cellphone ko kaya agad ko iyon kinuha sa table at sinagot ang tawag ni Althea.

"Good morning." nakangiti kong sabi sa kabilang linya.

"Hay naku Amara! Pumunta kana rito sa School kasi alam na alam ko na hindi maging maganda ang umaga mo kung ano man makita mo rito." sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko.

"Bilisan mo na." sabi niya.

"Okay." sabi ko at binaba ang tawag.
Ano kaya ano problema? Hay!
Kaya bumaba na ako at agad kong nakita si Lola.

"Lola mauna na po ako sa School." sabi ko.

"Kumain ka muna apo." sabi niya.

"Hindi na po Lola at saka tumawag sa akin si Althea." sabi ko.

"Anong sabi?" tanong niya.

"Kailangan ko na raw pumunta ngayon sa school may problema kasi." sabi ko.

"Gano'n ba oh sige mag-iingat ka." sabi niya.

"Opo." sabi ko at umalis na.

Hindi pa nga ako nakapasok sa loob ng gate ang nga student ay nakatingin sa akin.
Ano ba ang problema nila?
Tsk!

"Malandi talaga!" sabi ng babae.

"Oo nga! Akala mo kung sinong inosenteng babae." sabi ng isa kaya pinabayaan ko na lang sila.
Habang naglalakad ako gano'n parin ang mga naririnig ko.
Ako ay isang malanding babae?

"Mabuti Amara andito kana!" sabi ni Althea sabay lapit sa akin.

"Bakit? Ano ba ang nangyayari?" tanong ko.

"Tara!" sabi niya sabay hila sa akin papunta sa classroom.

"Ano ba ang nangyayari? Hindi ko ma intindihan! At saka bakit maraming nakatingin sa akin?" sunod sunod na tanong ko kay Althea.

"Basta!" sabi niya at andito na kami ngayon sa Classroom.

"Teka? Bakit maraming student dito?" tanong ko.

"Ayan na ang malandi!" sigaw ni natalla.

"Oo nga!" sigaw ni Shane.

Nang makapasok na kami ni Althea sa loob.
Napatingin ako agad sa Blackboard.
At hindi ako makapaniwala sa aking nakita ngayon kasi may nakasulat na.

Si Amara Cortez ay pumatol sa isang Matandang! Lalaki!
-Ash Gray

"Oh nakita mo ang sinulat ni Idol? Haha malandi ka!" sigaw ng kaklase kong fl*rt.
Kaya napayukom ang aking kamao.

"Alam mo naman Amara kung bakit alam ni Ash ang tungkol sa'yo!" sarkastikong sabi ni Shane kaya napatingin ako sa kanya.
Bago umalis sa harap niya upang hanapin ang Ash na iyon!

"Amara!" sigaw ni Althea pero hindi ko siya pinansin.
Buw*sit!

"Nakita mo ba si Ash Gray?" tanong ko sa babaeng nerd.

"Amm. Nasa classroom po si Crush." sabi niya.

"Salamat." sabi ko sabay lakad papunta sa classroom ng buw*sit na Ash na'yon!

Andito ako ngayon tumatakbo papunta sa Classroom ng buw*sit na Ash na'yon.
Nang nandoon na ako agad ko siyang nilapitan at sinuntok ng sobrang lakas wala na akong pakialam kung lalaki pa siya! Wala siyang karapatan na ipahiya ako sa maraming tao!

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon