CHAPTER 9

1.9K 37 3
                                    


Isang hapon pagkatapos ng aming klase.

"Sabay na tayo." sabi ni Mike sabay tayo sa kanyang upuan kaya napatingin kami ni Althea sa kanya.

"Oh sige kayo na lang dalawa mauna na ako." sabi ko sabay lakad.

"Amara wait, sayo na ako sasama." sigaw ni Althea habang patakbo papalapit sa'kin.

"May problema ka parin ba?" tanong niya sabay akbay sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala." walang gana kong sabi sa kanya.

"Hay naku Amara! Sabihin mo na! At saka alam na alam ko na si Ash na naman 'yan." sabi ni Althea.

"Ang layo naman." sabi ko.

"Oh baka naman si Mike Lawrence Gray." sabi ni Althea kaya bigla akong tumigil sa paglalakad.

"Bakit?" tanong niya.

"Teka Althea." sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Ano nga?"naiirita niyang tanong sa'kin.

"Paki ulit nga ng sinabi mo." sabi ko.

"Yung alin?" naguguluhan niyang tanong sa'kin habang nakatingin sa kawalan.

"Yung full name ni Mike." sabi ko.

"Mike Lawrence Gray." sabi niya kaya napatingin siya sakin.

"Oh my god Amara! Kaano-ano niya si Ash Gray?" gulat na tanong ni Althea sakin.

"Hindi ko alam at saka ngayon ko lang din nalaman na Gray ang Apelyedo ng lalaking 'yon akala ko Bais." sabi ko.

"Baka magpinsan lang." sabi ni Althea.

"Siguro tara na nga!" sabi ko sabay lakad.
Salita ako ng salita hindi na pala siya sumusunod sa'kin.
Kaya nilingon ko siya.
Hay naku natulala ano kaya ang iniisip ng babaeng 'yon.

"Hoy Althea!" sigaw ko kaya napatingin siya sa'kin.

"Ah eh sorry." sabi niya sabay lakad papalapit sa'kin.

"Ano ba 'yong iniisip mo?" tanong ko.

"Same ng Apelyedo ang dalawa pero ang ugali sobrang layo. Mukha namang mabait si Mike." nakangiting sabi ni Althea.

"So? Crush mo?" tanong ko.

"Hindi haha." sabi niya.

"Baliw! Tara na nga!" sabi ko sabay lakad.

"Amara dito na lang ako." sabi ni Althea nandiyan na kasi ang sundo niya.

"Oh sige mag-iingat ka." sabi ko.

"Oo ikaw din." sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse.

Nang makaalis na ang sasakyan nila Althea.
Lumakad na lang ako nang bigla na lang may kumuha ng libro sa aking kamay kaya napatingin ako kung sino 'yon.
Walang iba kundi si

Mike.

"Akin na 'yan." sabi ko.

"Ang sweet naman ng bagong transfer dito Girlfriend niya ba 'yan?" tanong ng babae sa kanyang katabi.

"Siguro napakalandi talaga ng Amarang 'yan!" galit na sabi ng isa.
Kaya napatingin ako kay Mike.

"Ibigay mo na 'yan sakin!" sabi ko sabay kuha ng libro sa kanyang kamay pero bigla niya iyon inilayo sakin.

"Ano ba!" galit kong sabi.

"Saan yung bahay niyo?" tanong niya sabay lakad.

"Ang tigas-tigas talaga ng kukuti mo Mike no? Hindi ba sinabi ko ma sa'yo na akin na 'yan!" sigaw ko habang sumusunod sa kanya kaya napalingon siya sakin.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon