CHAPTER 17

44 2 0
                                    

ALTHEA POV

Andito ako ngayon sa Library nagbabasa ng libro tungkol sa History.

"Hays nakakapagod naman."reklamo ko.

"Bukas ko nalang ipagpatuloy 'to."sunod kong sabi kaya binalik ko na ang libro sa kinalagyan niya at inayos ko na rin ang mga gamit ko.

Kailangan ko ng umuwi baka papagalitan ako ni Mommy kapag late ako ng 1 minute.

Yes, tama kayo ng binasa strict talaga si Mommy pagdating sakin unica hija kasi ako kaya gano'n nalang ang pagtrato nila sa'kin.

Ayaw nga nila na magkaboyfriend ako  kaya heto crush-crush muna ako hehe.

At natandaan ko noong sinabi ni Dad sa'kin na kapag big girl na ako pwede na raw ako magkaboyfriend at dapat same level din po namin.

Hays si Daddy talaga.

Pero what if kung nagkagusto ako sa taong mahirap lang?

Matatanggap kaya nila?

Naku Althea huwag ka ng umasa na meron pang magkagusto sayo naku talaga!

Habang inaayos ko ang mga gamit ko.

"Ugh...shit..."

Teka?

Ano 'yon?

Bakit may umuungol dito?

Kaya nilapitan ko kung saan malapit ang umuungol at nagulat ako sa aking nakita dahil may kasama si Jhon na babaeng halos ang dibdib niya nakikita na at yung zipper ng pantalon niya ang nakabukas.

"Anong ginagawa niyo?"gulat kong tanong sa kanilang dalawa kaya sabay silang napatingin sa akin.

Kaya ayon agad namang inaayos ng babae ang kanyang damit,

Nahiya siguro haha.

"Mauna na ako Jhon." malanding sabi ng babae bago umalis.

At lumapit si Jhon sa akin.

Teka?

Anong gagawin ng baliw na 'to sakin?

Na pakamanyak niya talaga.

"Bakit hindi ka pa umalis? Gusto mo ba 'yong nakita mo? Gusto mo sayo ko 'yon gagawin?"tanong ni Jhon na kinagulat ko, kaya bigla ko siyang binatukan.

"Aray! Masakit 'yon ha!"reklamo niya sabay himas ng kanyang ulo.

"Na pakamanyak mo talaga! At saka kapag gagawin n'yo 'yan sa susunod please lang, huwag dito kasi nakakahiya kapag teacher ang makakita sa inyo."sabi ko bago umalis.

Hay naku Jhon bahala ka nga riyan.

MATTEO POV

Andito ako ngayon sa Mansyon kasama si Lola Ailyn.

"Matteo bakit ka napa rito?"tanong ni Lola.

"Hindi ko na talaga masasabihan si Ash masyado na siyang galit sa amin ng Mama niya."sabi ko.

"Hayaan mo nalang muna siya at pagsasabihan ko."sabi niya at tumango nalang ako.

"Kumain ka na muna."sabi niya sabay lagay ng burger sa harap ko.

"Salamat."sabi ko.

AMARA POV

Andito kami ngayon ni Althea palabas ng School.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon