CHAPTER 20

43 1 0
                                    

Andito na ako ngayon sa kanila ni Amara nang makababa na ako ng kotse agad na akong pumasok sa loob ng Mansyon at nakita ko si Lola at Ash naghahanda ng pagkain.

"Magandang hapon po Lola."nakangiti kong pagbati sa kanya.

"Naparito ka Apo?"tanong ni Lola.

"Gusto ko lang sana dalawin si Amara para ibigay 'to sa kanya."sabi ko sabay pakita sa basket na hawak ko na may laman na mga prutas na binili ko.

"Gano'n ba, sige puntahan mo na siya sa kwarto."sabi ni Lola.

Lalakad na sana ako nang biglang nagsalita si Ash.

"Nagpapahinga pa si Amara kaya ibigay mo na sa akin 'yan ako na magbibigay sa kanya mamaya."sabi niya at sabay kaming napatingin ni Lola sa kanya.

"Pero-"magsasalita na sana ako kaso nagsalita siya ulit.

"Masama kay Amara na ma stress ngayon, kaya pwede ka nang umalis."sabi niya.

"Ash Apo hayaan mo na si Mike na kamustahin si Amara."sabi ni Lola.

Oo nga lola at saka Girlfriend niya ba si Amara para pigilan akong kamustahin ang Bestfriend ko?

Sa mga nakikita ko ngayon sa kanya para siyang may gusto kay Amara.

Hay naku Mike huwag mo nang pag-isipan 'yan!

Ang importante makita mo si Amara.

"Mike Apo puntahan mo na si Amara."sabi ni Lola.

"Salamat po Lola."nakangiti kong sabi at pumunta na ako sa kwarto niya.
Nang nando'n na ako.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Mike."nakangiting sabi ni Amara kaya agad ko siyang nilapitan.

"Ito para sa'yo."sabi ko at nilapag ang basket sa mesa katabi ng kama niya.

AMARA POV

"Salamat Mike."nakangiti kong sabi.

"Your welcome." sabi niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?"tanong niya sabay lagay nang likod ng palad niya sa noo ko.

"Medyo okay naman ako Mike."sabi ko.

"Mukhang magaling ang nag-alaga sa'yo rito ha."sabi niya.

"Naku hindi naman."sabi ko.

"Teka? Pano mo nalaman na may sakit ako?"tanong ko.

"Syempre kay Althea."sabi niya.

Hay si Althea talaga kaya heto nag-alala si Mike.

"Bakit ka nagkasakit? Nagpaulan ka ba?"tanong niya kaya tumahimik nalang ako.

"So tama nga."sabi niya.
Alam niya kasi na kapag tinatanong niya ako at tumahimik ako bigla.
Alam niya na totoo iyon.

"Sa susunod huwag kang magpaulan naku Amara ang tigas-tigas talaga ng ulo mo."reklamo niya sabay kuha ng orange at binalatan.

Haha ang cute niya para siyang tatay kung makasermon.

"Ito kainin mo."sabi niya sabay bigay sakin ng orange.

"Salamat."sabi ko naman sabay kuha ng orange at kinain.

Wow ang tamis naman, saan niya kaya ito binili?

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon