CHAPTER 22

28 1 0
                                    

MIKE POV

Andito ako ngayon sa bahay kausap sina Mama at Lola about sa christmas.

"So? Saan tayo magdiriwang ng christmas Ma?"tanong ko.

"Sa mansyon daw ng Papa mo sabi niya."sabi ni Mama.

"Sa mansyon niya? So ibig sabihin makakasama natin sina Ash?"tanong ko.

"Oo anak."sabi ni Mama.

"Apo okay lang ba sa'yo na makakasama natin ang kapatid mo?"tanong ni Lola kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko alam Lola at saka hindi ko naman papipigilan si Ash kung magalit man siya sa akin."sabi ko.

"Pero Mike anak, huwag na huwag kang magpapaapi sa Ash na'yon kahit anak din siya ng Papa mo."sabi ni Mama kaya tumango nalang ako.

AMARA POV

"Lola uuwi muna ako."sabi ni Ash habang nagnonood kami ng tv ni Lola gabi na kasi kaya ito ang lagi namin ginagawa bago matulog.
Kaya sabay kaming napatingin ni Lola sa kanya.

"Gano'n ba, oh sige mag-iingat ka."sabi ni Lola sabay tayo bago niyakap ng mahigpit si Ash.

"Amara huwag na huwag mong pababayaan si Lola."sabi ni Ash sa akin.

"Okay po Boss."sabi ko.

"Sige."sabi ni Ash kaya bigla ko siyang tinawag naalala ko kasi ang jacket nita kailangan kong isauli.

"Ash!"tawag ko kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?"tanong niya.

"Wait lang."sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko at agad kong kinuha ang Jacket na pinahiram niya sa akin.

FLASHBACK

"Ito suotin mo baka umulan at magkalagnat ka ulit."sabi ni Ash sabay abot sa akin ng jacket kaya napatingin ako sa kanya.

May nakain na ba ang lalaking 'to?

"Ayoko, okay na ako sa damit ko at saka hindi naman uulan."sabi ko.

"Kukunin mo o tatapon ko ito?"tanong niya.
Tatapon niya na sana ang jacket nang bigla akong nagsalita.

"Sige akin na, mukhang mamahalin kung itapon lang."sabi ko sabay kuha sa jacket na hawak niya.

"Basta ibabalik ko 'to."sabi ko.

"Syempre dapata lang, hindi ko naman 'yan basta basta lang ibibigay."sabi niya.

Baliw talaga ang lalaking 'to haist.

END OF FLASHBACK

"Oh ito na ang jacket mo."sabi ko.

"Sa susunod mo lang 'yan ibigay sa'kin."sabi niya.

"Bakit?"tanong ko.

"Baka kasi kailangan mo 'yan matulog ka haha."sabi niya sabay tawa kaya bigla nalang namula ang mukha ko.

Nakakainis talaga ang lalaking 'to.

"Sige Lola alis na po ako."sabi ni Ash at umalis na siya.

Kaya napatingin ako kay Lola at heto nakangiti siyang tumitingin sa akin.

"Lola naman eh."sabi ko.

"Haha bagay kayo ni Ash."sabi ni Lola at bigla nalang lumaki ang dalawa kong mata as in sobrang laki.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon