CHAPTER 26

23 1 0
                                    

Habang nakahiga ako sa kama napatingin ako sa kwentas na binigay ni Ash sa akin.

"Ang ganda naman nito."sabi ko sabay hawak sa kwentas na binigay niya.

At napatingin din ako sa sing sing na binigay ni Mike.

Haist!

Amara ano ba itong iniisip mo!

Magkapatid silang dalawa kaya huwag ka nang malandi!
Pero bakit parang ayaw kong mawala si Mike sa akin?

At nagkakagusto rin ako kay Ash?

Pero hindi parin ako makapaniwala na kami na ni Ash.

Laro lang ba ito sa kanya?

Baka masasaktan ako kapag mainlove ako ng tuluyan sa lalaking 'yon.

Hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako.

Zzzzzzz

Nagising ako na agad kong nakita ang pagmumukha ng Ash na ito.
Kaya bigla kong tinakpan ang bibig ko.

Hay naku hindi pa ako nakapagtoothbrush.

"Umalis ka nga muna hindi pa ako nakapagtoothbrush!"galit kong sabi habang tinutulak siya.

"Haha napakaassuming mo naman, hindi kita hahalikan no."sabi niya habang nakangiti.

"Baliw ka!"sabi ko sabay buga ng hangin sa kanyang mukha haha ang pangit niya.

"Buw*sit ang baho."reklamo niya haha.

Hindi naman baliw talaga!

"Haha ang pangit mo."sabi ko habang tumatawa.

"Iyan pala ang gusto mo ah."sabi niya sabay halik sa akin.

"Haha sino ngayon ang mas nakakatuwa?"sabi niyang habang tumatawa.

"Baliw umalis ka nga riyan magccr muna ako."sabi ko at pumunta na ako ng cr.

Nang makapasok na ako agad kong nilock ang pinto at napatingin sa salamin sabay hawak sa aking labi.
At napangiti nalang ako bigla.

Nang matauhan na ako bigla nalang nagsalubong ang kilay ko.

"Naku Amara ano na ba ang nangyayari sayo! Para ka nang baliw."sermon ko sa aking sarili.

Bakit ba unting-unti na ako nahuhulog kay Ash Gray?

Mahal ko na ba siya?

Bahala na!

Kaya agad na akong nagtoothbrush at naghilamos.

Sana panaginip lang lahat ng ito.

Agad na akong lumabas ng cr at 'yon agad kong nakita si Ash nakahiga sa kama.

Feeling prinsepe haha.

Palaka naman haha.

"Bakit hindi ka pa umuwi sa inyo?"tanong ko habang siya naman ay natulalang nakatingin sa akin.

Maganda ba ako? Haha

Natulala kasi.

"Wala akong gana at saka magbra ka nga!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa dibdib ko.

Nakalimutan ko pala.

Kaya kinuha ko na ang bra ko at pumasok uli sa cr at sinuot iyon.
Pagbukas ko ng pinto ng cr agad kong nakita ang mukha ng lalaking 'to.

"Anong tinitingin-tingin mo?"tanong ko.
Pero hindi niya pa rin sinagot ang tanong ko.

"Hoy! Okay ka lang?"tanong ko.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon