CHAPTER 27

24 1 0
                                    

MIKE POV

Andito ako ngayon sa kubo kasi hindi ko kayang makita ang nangyayari sa canteen.
Hindi ako makapaniwala na Boyfriend na ni Amara si Ash.

Akala ko magkaaway sila pero bakit gano'n nalang ang nangyari.

Siguro no'ng pasko pag-uwi ko do'n niya sinagot si Ash.

Pero okay lang,

Maging masaya lang si Amara kakayanin ko kahit mawala pa siya sa buhay ko.

Hindi ko na pala namalayan na katabi ko na pala si Amara.

"Mike."sabi ni Amara kaya napatingin ako sa kanya.

"Kayo na pala ni Ash bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"tanong ko at bigla nalang siyang yumuko.

"Sorry Mike."sabi niya.

"Kung mahal mo talaga si Ash okay lang 'yon."sabi ko kaya ningitian niya lang ako.
Napatingin ako sa daliri niya.

Teka?

Nasaan ang sing sing na binigay ko sa kanya?

Siguro tinapon niya 'yon.

Sino ba naman ang Boyfriend na makita ang Girlfriend niya na merong sing sing.

Kaya bigla nalang napatulo ang aking mga luha.

Pero agad ko naman 'yon pinahid gamit ang aking palad.

Mabuti nalang hindi niya nakita kasi nakayuko siya.

"Ang ganda naman ng kwentas na binigay niya sa'yo, siguro mamahalin 'yan."sabi ko kaya napatingin siya sa akin sabay hawak niya sa kwentas.
Pero hindi siya nagsalita.

"Baka hinahanap kana ni Ash."sabi ko.

"Pero Mike-"hindi niya tinapos ang sasabihin niya kasi bigla nalang ako nagsalita.

"Umalis kana muna Amara please?"sabi ko at tumango naman siya bago umalis.

Bakit ang sakit sakit?

Mahal ko si Amara pero bakit?

Akala ko mahal niya rin ako.

Siguro bilang bestfriend lang talaga o baka naman galit pa rin siya sa akin no'ng iniwan ko siya.

Hindi ko na namalayan umiiyak na pala ako.

Kay Amara lang ako ganito.

Matagal ko na siyang bestfriend simula no'ng mga bata pa kami.
Pinipilit kong kayanin pero bakit parang hindi?

"Mike."sabi ni Gael kaya agad kong pinahid ang aking mga luha.

"Nakita ko ang nangyari kanina sa canteen, okay ka lang ba?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Mahal na mahal ko si Amara."sabi ko nalang.

Hindi ko na kaya itong itago.

"Alam ko at nakikita ko 'yon tuwing magkasama kayong dalawa."sabi niya.

"Pero sana Mike pilitin mo ang sarili mo na kalimutan ang pagmamahal mo sa kanya kasi masasaktan ka lang."sabi niya at ningitian ko nalang siya bilang sagot.

"Kailangan ko na sigurong umuwi Gael."sabi ko sabay tayo.

Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likuran.

"Huwag mo sanang kalimutan na nandito lang ako Mike."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam ko, kaya maraming salamat."sabi ko sabay ngiti at umalis na nang tuluyan.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon