CHAPTER 23

39 1 0
                                    

JHON POV

Andito kami ngayon ni Paul at Ash sa *******bar.
Ano ba ang nangyari kay Ash?

Bakit marami siyang pasa sa mukha at hindi niya naman sinabi sa amin kung ano ang nangyari sa mukha niya.
Inaya niya lang kami ni Paul na uminom rito.

At kanina pa kaming nag-aaya sa kanya na umuwi pero wala siyang balak.

Ano ba ang gagawin niya sa buhay niya?

Baka papagalitan na naman ako ni Mommy nito hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kanya.

"Ash umuwi na tayo."sabi ni Paul habang tinitignan ang kanyang relo.

"Oo nga Ash gabi na at saka hinahanap na ako ni Mommy."sabi ko kaya napatingin siya sa amin ni Paul na lasing na lasing.

"Kung..gusto ni..yong umuwi mauna ka..yo! Hay..aan niyo ako!"nauutal niyang sabi dahil sa lasing.

Hay naku Ash.

Wala na siguro itong plano sa buhay niya.

AMARA POV

"Ma'am andito na tayo."sabi niya at nagpark na siya ng taxi sa gilid.
Nagbayad muna ako bago lumabas.

Papasok na sana ako sa loob nang bigla akong pinigilan ng Guard na nakaassign doon.

"Ma'am hindi ka po rito pwede."sabi niya.

"Bakit po?"tanong ko.

"Sa suot niyo po."sabi niya.

"Kuya Guard please? May susunduin lang kasi ako sa loob."sabi ko.

"Pero-"magsasalita na sana siya nang bigla akong nagsalita.

"Sandali lang po ito Kuya Guard."sabi ko.
Mabuti naman pumayag siya kaya heto nakapasok na ako sa loob.

Grabe ang dami namang tao rito at saka yung mga babae mga sexy.
Kasi 'yong mga damit nila kulang sa tela haha.

Kaya heto marami na ang nakatingin sa akin, sino ba naman hindi titingin sa akin nakapajama at jacket ako.

At mabuti nalang agad kong nakita sina Paul, Jhon at Ash sa dulo.

"Excuse po."sabi ko sa mga babae at lalaking sumasayaw.

Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sound nila.

"Ash."sabi ko sabay lapit sa kanila kaya napatingin sina Paul at Jhon sa akin.

"Amara mabuti nandito kana."sabi ni Jhon.

"Ash, hinahanap ka ng Papa mo."sabi ko.

"Bakit..ka..nandito?"lasing niyang tanong sa akin.

"Jhon hatid niyo na si Ash."sabi ko sabay tingin kay Jhon.

"Sige."sabi ni Jhon sabay tayo at nilapitan si Ash.

"Ayoko umuwi! Ano ba!"galit na sabi ni Ash.

"Baliw ka ba! Hinahanap ka nga ng Papa mo"galit kong sabi.

"Ano ba ang pakialam mo Amara! Hayaan mo ako sa buhay ko!"sigaw ni Ash mabuti nalang hindi masyadong malakas ang boses niya dahil sa sound .

Nagulat nalang ako nang may biglang lumapit sa akin na lalaki at hinawakan ang aking kamay kaya agad ko iyon tinapi at lumayo sa kanya.

"Miss pwede ba tayong sumayaw?"tanong niya.

"Ha? Ayoko."sabi ko.

"Sige na madali lang 'to."sabi niya sabay hawak sa aking braso na sobrang higpit.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon