CHAPTER 19

44 2 0
                                    

"Tapos na ako." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng plato na may laman pangpagkain.

"Ubusin mo 'yan!"galit niyang sabi.

"Busog na ako."sabi ko.

"Ito kainin mo last nalang."sabi niya sabay subo sa'kin ng pagkain sa kutsara.
Kaya heto kinain ko naman,
Ang ingay kasi haist!

Napatingin ako sa kanya.

Ano ba ang nangyari sa lalaking 'to may lagnat din ba siya?

Nakakapanibago naman.

"Matutunaw na ako sa titig mo."sabi niya kaya napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Baliw."sabi ko nalang kaya napatingin siya at ngumiti.

Ang gwapo niya talaga.

Bakit parang ginagayuma ako ng mga ngiti ng lalaking 'to.

Hindi naman sila magkamukha ni Mike pero bakit parang mas gwapo si Ash?

Naku Amara huwag kang magkakagusto sa lalaking 'to!

Napakasama kaya ng ugali tsk!

"Ayan tulala kana man ulit haha."sabi niya habang tumatawa kaya bigla ko siyang binatukan.

"Napakaassuming mo talaga!"sabi ko.

"Alam kong gusto mo ako Amara kaya huwag ka ng mahiya haha."sabi niya kaya heto ako ngayon masama ang tingin sa kanya.

Hay naku ang lalaki talagang 'to.

Napatingin siya sa kamay ko na may galos kaya bigla ko iyon tinakpan ng kumot.

"Kunin mo tingnan ko!"ma awtoridad niyang sabi sabay kuha ng kumot na nakatakip sa kamay ko na may galos.

"Iyan kasi nangingialam kaya heto na galusan ka!"galit niyang sabi.

Haist!

Siya lang naman ang may kasalanan ako pa ang sisihin.

"Sa susunod huwag kang mangialam para hindi ka masaktan."sabi ni Ash sabay tingin sa akin.

Teka?

Ano ba ang nangyari sa lalaking 'to.

"Anong ba ang tinitingin-tingin mo sa'kin kanina ka pa."reklamo niya.

"May gusto ka ba sa'kin?"diretso kong tanong sa kanya.

At nagulat naman siya sa tanong ko.
Sino nga ba naman hindi magugulat sa tanong na 'yan, gano'n din nga ako nagulat sa tanong ko.

"Kung gusto kita may magagawa ka ba?"tanong niya at doon na namula ang mukha ko.

"Baliw ka talaga!"sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Haha ang cute mo talaga."sabi niya habang tumatawa.

ALTHEA POV

"Althea bakit absent si Amara?"tanong ni Mike habang nakaupo ako sa bench.

"May sakit siya."sabi ko.

"Gano'n ba, sige pupuntahan ko nalang siya mamaya."sabi niya.

"Mas mabuti pa."sabi ko.

"Sige mauna na ako Althea may gagawin pa kasi ako."sabi niya.

"Sige, ingat ka."sabi ko.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon