CHAPTER 28

34 1 0
                                    

ALTHEA POV

Habang kumakain kami ni Mommy.

"Mom kailan ba uuwi si Daddy?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Matagal pa."sabi niya kaya tumango nalang ako.
Pagkatapos naming kumain agad nang umalis si Mommy upang pumunta sa kwarto niya kaya agad kong nilapitan si Yaya Eliza.

"Yaya."sabi ko kaya napatingin siya habang naglilinis ng kinainan namin.

"Ano po 'yon Ma'am?"tanong niya.

"Thank you nga pala."sabi ko.

"Okay lang po 'yon Ma'am Althea."sabi niya.

"Sana mananatiling secreto lang ito sa atin Yaya."sabi ko at tumango naman siya bilang sagot sa sinabi ko.

Mabuti nalang mabait si Yaya kung hindi lagot talaga ako neto kay Mommy at Daddy.

"Makakaasa po kayo sa'kin Ma'am."nakangiti niyang sabi.

AFTER 4 YEARS

4 years kong tinago ang relasyon namin ni Jhon.

Minsan nga ito ang rasun kung bakit kami nag-aaway ni Jhon.
At saka andito na kasi si Daddy kaya doble-doble ang pag-iingat namin ngayon ni Jhon.
Kahit isa na akong Doctor at may sarili nang pag-iisip si Mommy pa rin ang kumocontrol sa akin.

Hindi ko na pala namalayan na nagriring na yung cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag ni Jhon.

"Bakit ka napatawag?"tanong ko.

"Gusto ko lang kasi makipagkita sa Girlfriend ko."sabi niya sa kabilang linya.

Teka?

Andito na siya?

Sundalo na kasi si Jhon at Ash kaya kung saan-saan sila pumupunta.
Dalawang buwan ko na kasi siyang hindi na kita.

"Pero nandito si Daddy."sabi ko.

"Hindi mo ba ako na mimiss?"tanong niya kaya huminga ako ng malalim.

"Namimiss kita ng sobra pero kasi andiyan si Daddy baka kasi malaman niya, bantay sarado kasi ako."sabi ko.

"Please? Kahit ilang minuto lang gusto lang kitang makita."sabi niya.

"Oh sige."sabi ko.

Hindi ko talaga siya matitiis.
Mahal na mahal ko talaga si Jhon.

AMARA POV

Andito ako ngayon sa Hospital na pagmamay-ari nila Ash dito kasi ako nagtatrabaho kasama ko sina Mike at Althea.

Wala si Althea ngayon kasi darating daw ang Daddy niya kaya heto ang lungkot ng buhay ko ngayon hehe.
Si Ash naman?

Syempre isa ng Commander bilib kayo hindi ba?
Hehe.

"Doc. Pinapatawag ka ni Doc. Mike."sabi ni Jessa isang Nurse rito.

"Sige susunod na ako."sabi ko.

Haist namiss ko na si Ash.

Kailan kaya siya uuwi?

Hindi ko na pala namalayan na andito na ako sa harap ni Mike.

"Mike bakit?"tanong ko.

"Nagugutom kana ba? Kain tayo."pag-aaya niya sa akin magsasalita na sana ako nang bigla nalang may nagsalita sa aking likuran.

"Ako ang kasama niyang kakain kaya huwag mo na siya aya-in."

Teka?

Parang si

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon