CHAPTER 21

43 1 0
                                    

AMARA POV

Maaga akong gumising upang pumasok sa school.
One day na kasi akong absent at saka hindi ako sa ganoon.

Nang makababa na ako agad kong nakita si Lola at Ash.

"Lola pasok na po ako."sabi ko.

"Teka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"tanong ni Ash kaya napatingin ako sa kanya.

Hay naku bakit ba kasing napakapakialamero ang lalaking 'to.

Hay si Ash talaga.

"Okay na ako."sabi ko.

"Gano'n ba Apo, kung sa gano'n kumain kana ng marami."sabi ni Lola kaya ningitian ko siya habang si Ash naman heto parang na iinis haha ang cute niya.

"Hintayin mo ako maliligo lang ako sabay na tayo, kumain ka muna riya."sabi ni Ash.

"Mas mabuti pa Apo, sige Amara kumain ka muna hintayin mo nalang si Ash."sabi ni Lola.

"Oh sige po."sabi ko.

After ilang minuto andito na kami ngayon ni Ash sa loob ng kotse.
Habang nagmamaneho siya.

"Last day na ngayon bakit pa kasi papasok ka pa!"galit na sabi ni Ash kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto ko lang pumasok."sabi ko.

"Baka gusto mo lang makita si Mike."mahina niyang sabi kaya hindi ko na iyon pinansin.

Ano ba ang nangyari sa kanya?

Kung sabihin ko na may gusto siya sa akin, sabihin niya baka ako lang daw.

Hay naku Amara hayaan mo na ang lalaking 'yan.

SCHOOL

Andito na kami ngayon sa School habang naglalakad kami ni Ash bigla nalang lumapit sina Shane kasama ang mga kaibigan niya.

"Ash malapit na ang Christmas sino ang kasama mo?"tanong ni Shane.

"Oo nga Ash, pwede ka ba naming makasama?"tanong ng isa niyang kaibigan.

Hay naku mga babae nga naman, pakiramdam ko ako nalang ang babaeng hindi magkakagusto sa Ash Gray na 'to, at saka ano ba ang meron sa lalaking 'to?
Gwapo lang naman pero masama naman ang ugali.

Tsk!

"Si Amara."sabi ni Ash na kinagulat ko sabay akbay sa akin.

Ano?

Bw*sit talaga ang Ash na 'to!

Binibigyan talaga ako ng problema!

"Si Amara?"gulat na tanong ni Shane at tumango naman ang Baklang ito.

"Tara na nga Girls!"sabi ni Shane at umalis naman sila.

At heto naman si Ash tawa ng tawa baliw na talaga.

Pero mas okay na kung ganito siya makipag-usap ngayon sa babae kisa noon na parang kakain siya ng buhay.

"Gusto mo talaga ako eh no!"sabi ko at mas lalo siyang tumawa ng malakas.

Haist! Ang ingay!

"Napakaassuming mo haha."tawa niya kaya bigla ko siyang binatukan.

"Aray!"reklamo niya sabay himas-himas ng kanyang ulo.

Kaya lumakad nalang ako hanggang nakasalubong ko si Mike.

"Amara andito ka pala, akala ko hindi ka papasok."sabi ni Mike.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon