CHAPTER 3

2.6K 41 3
                                    

ASH POV

Andito ako ngayon sa kuwarto nakahiga sa kama nang bigla na lang mayroong kumatok sa pintuan.
Kaya tumayo na ako sa kama upang buksan ang pinto.
Nang buksan ko na ang pinto.
Agad kong nakita si Yaya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ah Sir Ash sorry sa istorbo pinapatawag po kasi kayo ni Ma'am." Sabi niya.

"Sabihin mo sa kanya na susunod na lang ako!" Galit kong sabi sabay sara ng pinto.
Pumunta muna ako sa CR upang maligo mainit kasi kaya kailangan kong magpalamig.

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako upang puntahan si Mommy.

"Bakit?" Tanong ko sabay lapit sa kanya at nakita ko sa mukha niya na nag-alala siya habang hawak hawak ang kanyang cellphone.

"Tumawag ba yung Daddy mo?" Nag-alalang tanong ni Mommy.

"Hindi at bakit naman?" Galit kong tanong.

"Kasi uuwi siya ngayon bago pumunta next week sa America kaso hindi pa siya nakakauwi rito nag-alala na ako sa Daddy mo." Sabi ni Mommy.
Buw*sit lagi naman ganyan ang buw*sit kong Ama!

"Hindi ka ba naninibago kay Dad? Haha." Natatawa kong tanong sa kanya.

"Ash! Huwag ka namang magsalita ng ganyan sa Daddy mo!" Galit na sabi ni Mommy sa akin.
Kaya ngumiti na lang ako nang sarkastiko.

"At bakit naman? Totoo naman eh! Ang gusto ko lang sabihin sa iyo na baka andoon na naman ang buw*sit na Ama ko sa mga Babae niya!" Sigaw ko kay Mom at bigla na lang niya akong sinampal nang sobrang lakas at nakita ko ang lahat ng mga katulong namin ay nakatingin sa amin ni Mommy.
Pati sila nagulat sa ginawa ni Mom.

"Wala kang karapatan na sabihan nang ganyang ang Daddy mo!" Sigaw ni Mommy.

"Walang karapatan? Kung ako sa iyo Mom! Matulog kana! Kasi nasasayang lang ang muta mo sa kakahintay kay Matteo!" Galit kong sabi sabay alis sa kanyang harapan upang pumunta sa Bar.
Buw*sit na buhay na ito!
Tinawagan ko muna si Paul.

"Punta tayo sa Bar!" Galit kong sabi sabay pasok sa loob ng aking kotse bago ko ito pinahurot nang sobrang bilis.

Nang nandoon na ako sa Bar.

"Nag-away na naman kayo ng Mommy mo?" Tanong ni Jhon.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sabay inom ng alak.

"Kilala kana namin Ash." Sabi ni Miko habang nakangiti.

"Oo nga haha." Sabi ni Jhon habang tumatawa.

"Huwag nga kayong tumawa riyan! At saka mind your own business!" Galit kong sabi kaya tumahimik na lang sila.

"Okay ikaw na ang nagsabi." Sabi ni Miko.

"Hi Ash." Malanding sabi ng babae sabay akbay sa akin.

"Ano ba!" Galit kong sabi sabay tulak sa kanya.

"Aray!" Sigaw niya at napatingin ang lahat ng mga tao sa amin.

"Ayoko sa mga malalanding katulad mo!" Sigaw ko sa kanya. At bigla na lang lumapit ang mga lalaki sa amin.

"Anong ginawa mo sa Girlfriend ko!" Sigaw ng isang Lalaki.

"Haha Girlfriend mo ito?" Sarkastiko kong tanong sabay turo sa Babaeng malandi.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon