CHAPTER 25

27 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa loob ng kotse pauwi na sa Mansyon ko habang kasama ko si Mama.

Napatingin ako sa kanya na galit na galit.

Nakakainis ang Althea na 'yon!

Inagaw niya lang naman si Matteo kay Amy!

"Miccah paano nakapunta ang Amarang 'yon sa pamamahay ni Matteo?"tanong ni Mama.

"Iyon na nga ang hindi ko alam Ma! Bakit ba palagi nalang dumadagdag ang mga problema ko!"galit kong sabi.

"Baka babae ni Matteo ang Amarang 'yon!"sabi ni Mama.

"Kung babae man siya ni Matteo! Dapat siyang mawala sa buhay ng mga Gray! Hindi dapat mapunta sa kanya ang hari-harian na dapat sa kanya!"galit kong sabi.

Patay na si Amy! Kaya walang alam si Amara sa mga nangyari noon!

AMARA POV

Andito kami ngayon ni Mike sa garden.

"Umuwi na sina Mama mo bakit andito ka pa?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

At bigla nalang siyang ngumiti.

Anong nangyari sa lalaking 'to?

Haha pero ang cute niya ngumiti.

"Amara."sabi niya kaya napataas ang kilay ko bilang tanong.

"Thank you kasi palagi kang nandiyan sa tabi ko kahit minsan nag-aaway tayo."sabi niya.

"Okay lang 'yon, at saka thank you nga pala sa regalo mo sa'kin."sabi ko sabay pakita sa kanya ang sing sing na suot ko.

"Your welcome."sabi niya.

"Ngayon same na tayo ng sing sing kaya huwag kang mawawala sa'kin."sabi niya sabay lapit sa akin kaya ningitian ko nalang siya at hinalikan niya ako sa noo.

"Masaya ako Amara na okay na tayo."sabi niya.

"Masaya rin ako."sabi ko.

ASH POV

Andito ako ngayon sa pinto habang nakatingin kina Amara at Mike.

Hindi lang pala 'yon simpleng sing sing ang regalo ni Mike kay Amara.

Napayukom ang aking kamao nang bigla nalang siyang hinalikan ni Mike sa noo.

AMARA POV

"Mahal na mahal talaga kayo ni Tito Matteo."sabi ko.

"Oo nga, kahit no'ng bata ako hindi ko siya nakasama lagi pero ngayon bumabawi na siya sa akin at saka hindi naman ako galit sa kanya."sabi ni Mike.

"Sana pareho rin kayo ng pag-iisip ni Ash."sabi ko at tumahimik nalang siya.

"Kahit kailan Amara hindi kami maging magkapareho ni Mike kasi alam mo kung ano? Iba ako sa kaniya!"galit na sabi ni Ash kaya napatingin kami ni Mike sa kanya.

"Amara mauna na ako."sabi ni Mike kaya tumango nalang ako.
Aalis na dapat si Mike nang bigla nalang nagsalita si Ash.

"Hindi mo alam ang nawalan! Kaya feeling mo okay lang."sabi ni Ash at umalis nalang si Mike.

Nang makaalis na si Mike.

"Ako naman 'yon nagsabi hindi si Mike."sabi ko kaya napatingin si Ash sa akin.

YOU ARE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon