CHAPTER 3: ADOPTION
Zahra's POV
Mag-iisang buwan na simula noong naging malapit ako sa kambal. Lagi ko silang binibisita at iginagala. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam kapag nakakasama ko sila. Nagiging panatag ako na maayos sila.
‘Naattached na ata ako sa mga cute na 'to.’
Naibabalik na din unti-unti ang nasunog na ampunan ngunit doon pa rin sila tumuloy sa ibinigay na tuluyan sa kanila. Napakaraming nagbigay ng tulong sa kanila. Ako naman ay busy minsan ngunit hindi ko alam at lagi kong nagagawan ng paraan para makita sina Quinn at Quincy.
“You look so beautiful there, Quincy.” nakangiting sabi ko nang lumabas s'ya mula sa fitting room ng boutique. Nasa mall kami ngayon, ipinagsa-shopping ko sila ng mga bagong damit nila. Isinukat ni Quincy ang isa'ng pink dress na bumabagay talaga sa kan'ya. “I'll take this, Ms.” sabi ko sa saleslady na agad naman tumango. Tiningnan ko si Quinn na kalalabas lang din ng fitting room.
“Do I look handsome hehe?” nahihiyang tanong n'ya habang napakamot ng batok n'ya. Natawa ako nang bahagya.
“You look so good there, man.” lumapit ako sa kan'ya. “Oh poging pogi.” saad ko habang inaayos ang kwelyo ng suot n'ya. Ngumiti s'ya sa'kin kaya kinurot ko ang pisngi n'ya. Sinenyasan ko ulit ang saleslady na kukunin iyon.
Isang oras din ang itinagal namin doon dahil med'yo marami rami rin ang binili namin. Pagkatapos ay kumain kami sa isa'ng restaurant malapit sa mall.
“Mama, there's actually parent-teacher meeting on our school and our teacher told us bring our guardian so I said your name.” napaangat ang dalawa'ng kilay ko sa sinabi ni Quincy.
“And when is that?”
“On monday.” ngumiti ako sa kan'ya.
“Okay, I'll be there.” ngumiti s'ya nang malapad at ngumuya ulit ng pagkain. Hindi pa rin nagbago at tinatawag n'ya pa rin ako na Mama ni Quincy. Mas vocal n'ya s'ya ngayon at laging sinasabi na gusto n'ya ako maging totoong Mama n'ya. Si Quinn naman ay hindi ako tinatawag na ganon pero sumasang-ayon na sya kay Quincy na maging Mama na din nila ako.
Iniisip ko kung handa ba ako maging magulang na. Marami ako'ng pinagdaanan noong bata dahilan para hindi ko gustuhing magkaanak o maging magulang o ang makasal manlang.
‘I need someone to punch me whenever I became a bad parent to my kids.’
Hindi pa ako ganoon kabuting magulang. Gusto ko muna maging mentally and emotionally stable ako kapag napagdesisyunan ko na maging magulang. Mahirap na at ayoko matrauma ang mga anak ko at kamuhian ako paglaki.
Sa kaso nina Quinn at Quincy ay mas gusto kong nasa ligtas sila lagi at wala'ng nananakit sa kanila. Ako ang nakikita nilang mother figure at sa pinagdaanan nila ay ayoko naman basta basta iwan sila. Hindi deserve ng mga bata ang gan'on. Napapaisip ako minsan sa mga magulang nila na kung bakit ba inabanduna nila ang mga batang ito.
Napabuntong hininga ako. Ilang linggo na din sumasagi sa isip na i-adopt sila. Hindi ko alam pero nalilito pa ako kung ako ba ang kailangan nila o dahil lang sa gusto nila ako kaya nila ginugusto na maging magulang ako.
Napailing ako at iniwaglit sa isip ko ang mga bagay na iyon. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng restaurant. Agad kong tinawagan si Edric dahil nasa malapit lang din daw s'ya kaya sasabay na kami dahil nakakotse naman s'ya.
Maya-maya ay pumarada na din s'ya sa harap namin. Ibinaba n'ya ang bintana ng kotse at ngumiti sa amin.
“Tito Ed!” tawag ni Quincy. Ganon na sila kaclose. Tito at tita na ang tawag nila sa mga kasamahan ko sa departamento.
BINABASA MO ANG
Moon And Our Hearts
General FictionZahra meet Aziel, the biological father of the twins she adopted two years ago. She loathed him for abandoning the kids and letting them suffer alone. Aziel fought his right as the biological father of the twins, and also fought for Zahra's safety...