MAOH26: Jealous

879 40 1
                                    

CHAPTER 26: JEALOUS     

Zahra's POV

Parang hinihigop ako ng mga tingin n'ya. Ang makinang n'yang kayumangging mata ay hindi naalis ang tingin sa'kin. Titig na titig s'ya sa'kin habang hinihintay ang sagot ko sa pakiusap n'ya. Napatingin ako sa pag alon ng Adam's apple n'ya dahil sa kaba.

‘Kinakabahan s'ya! Angas!’

Pero pati ata ako kinabahan sa tanong n'ya kanina. Malakas ang tibok ng puso ko na para bang sisirain na non ang dibdib ko. Napabasa ako ng labi dahil pakiramdam ko nanuyo ang buong katawan ko.

“Grabe,” tinago ko ang nginig ko. “Nakakagulat ka naman.” napaiwas ako ng tingin sa kan'ya at napatikhim.

“I'm sorry.” napabalik ang tingin ko sa kan'ya nang marinig ang sinabi n'ya. Bahagya s'yang nakatungo at hindi nakatingin sa'kin. Dahil sa tangkad n'ya at hanggang leeg n'ya lang ako ay kitang kita ko ang paglamlam ng mata n'ya. Parang piniga ang puso ko sa reaksyon n'ya. Napakagat ako ng ibabang labi at saka nagsalita.

“S-Sige.” napaangat s'ya ng tingin.

“Y-You mean it?” simpleng pagtango lang ang sagot ko sa kan'ya. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi n'ya na s'yang nagpalundag nang malakas sa puso ko. Napatitig ako sa nakangiti n'yang mukha. Parang pakiramdam ko ay lalabas na mula sa lalamunan ko ang puso ko. “Thank you.”

“B-Basta sagot mo ang susuotin ko. Wala akong alam sa mga party na 'yan.” saad ko na hindi makatingin sa kan'ya.

“Don't worry about it.” gulat akong napatingin sa kan'ya nang haplusin n'ya ang buhok ko at hinagod pababa. Natauhan s'ya sa ginawa n'ya, nawala ang ngiti n'ya at ibinaba ang kamay n'yang nakahaplos kanina sa ulo ko. “Sorry.” nakita ko ang pag alon ng Adam's apple n'ya. “I'll go to my room now. Good night.” saad n'ya at dali daling pumasok sa study room n'ya.

Naiwan akong tulala sa labas habang damang dama ko ang kakaibang pakiramdam na parang binabaliktad ang sikmura ko. Sa simpleng paghaplos n'ya sa ulo ko ay para akong binombahan. Kinakabahan ako at napakalakas ng tibok ng puso ko. Mabibigat ang paghinga kong pumasok na rin sa kwarto n'ya.

Nag asikaso ako ng sarili at naupo sa kama n'ya. Tulala pa rin ako habang nakaupo sa gilid ng kama n'ya. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi n'ya kanina at ang simpleng paghaplos n'ya sa buhok ko. Napahawak ako sa parte ng ulo ko na hinawakan n'ya. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang kakaibang tibok ng puso ko.

Ayoko mang isipin pero naiiyak ako sa konklusyon na pumapasok sa isip ko kung bakit ganito ang reaksyon ko lagi kapag nasa paligid si Aziel.

Nahiga ako sa kama n'ya at napatitig sa ceiling.

Namimiss ko na ang view ko sa ceiling tuwing gabi.’

Lumipas ang ilang at gising na gising pa rin ang diwa ko. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang kong mag aalas dose na. Kanina ko pa inuuto ang sarili ko na matulog pero ayaw talaga.

Nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa night table sa tabi ng kama ni Aziel. Kinuha ko 'yon at nakita ang caller ID ni David. Napaupo ako at sinagot 'yon. Sinimangutan ko sila nang bumugad sila sa camera. Maiingay at mga maliligalig, except kay Ed na tahimik sa tabi ng jowang n'yang pinaglihi sa bulateng inasinan. 

“Ay nakasimangot ang human.” hindi ko pinansin ang sinabi ni Amara. Isinandal ko ang cellphone ko doon sa alarm clock ni Aziel sa night table n'ya. Ginawa ko 'yon phone holder muna.

“May nangyare ba?” napalabi ako at umiling sa tanong ni Aiden.

“Wala.”

“Magpaplano na tayo.” tinanguan ko sila. Sumenyas muna ako ng saglit at tumayo. Kinuha ako ang wireless earphones ko at ginamit 'yon para ako lang ang makarinig sa kanila. Bumalik ako sa pwesto ko at hinarap sila.

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon