CHAPTER 23: SURPRISES
Zahra's POV
Napatulala ako sa kan'ya nang bawiin n'ya ang labi n'ya. Nawalan ata ako ng boses, nakaawang lang ang mga labi ko na parang may sasabihin. Malapit pa rin ang mukha n'ya sa'kin. Dahan dahang lumakbay ang malaki n'yang kamay mula sa batok ko pababa sa braso ko. Hindi nya inalis ang tingin n'ya sa'kin.
“If giving me the twins back means cutting off with me then I don't want it.” paos n'yang sabi pero klaro pa rin sa'kin 'yon. Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Naiintindihan ko ang English pero biglang hindi ko nalang naintindihan ang sinabi n'ya.
Binitawan n'ya ang mga braso ko at nakapamulsang tinalikuran ako at naglakad na papuntang labasan. Nanatili akong nakatayo at habol ang hiningang sinundan s'ya ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang naninikip 'yon sa sobrang kabog ng puso ko. Kailangan ko pang sumandal sa pader para maalalayan ang sarili ko at bawiin ang lakas na parang nawala bigla sa'kin.
Napakurap ako nang ilang beses bago tumayo nang maayos at sinundan s'ya. Nakita ko s'yang nakatayo sa gilid ng kotse n'ya. Suot n'ya pa rin ang damit ng kapatid ko. Hindi ako lumapit sa kan'ya. Nasa kabilang panig ng kalsada s'ya kung saan nakaparada ang mamahalin n'yang convertible na kotse. Napatingin s'ya sa pwesto ko. Tiningnan n'ya ako ng ilang segundo bago walang imik na pumasok sa kotse n'ya.
Pinanonood ko ang pag alis ng kotse n'ya. Napalunok ako at naglakad na pabalik sa bahay. Nagriritwal ako sa isip ko na sana wala akong kapitbahay o kamag-anak na nakakita sa paghalik sa'kin ni Aziel.
Natigilan ako nang maalala ang halik. Napahawak ako sa labi ko. Napapikit ako nang mariin.
‘Nyeta, ang first kiss ko! How dare him kiss me?! Bakit n'ya ba ako hinalikan?!’
Salubong ang kilay kong bumalik sa bahay at pumanhik sa taas. Napatigil ako sa harap ng kwarto ng kambal. Nawala ang pagkakunot ng noo ko at napatitig sa pinto. Naglamlam ang mata kong napatitig doon.
Walang ano ano'y pumasok ako sa loob. Nadatnan kong natutulog sa kan'ya kan'yang kama ang kambal. Napahinga ako nang malalim at kinuha ang upuan mula sa study table ni Quinn at ipinuwesto 'yon sa gitna ng kama nila. Naupo ako roon at malayang pinagmasdam ang payapang pagtulog nila.
Napangiti ako nang kaunti. Ganitong ganito rin ang pwesto namin sa hospital noon nang bisitahin ko sila matapos ko silang mailigtas mula sa sunog. Ang kaibahan ay nasa kaliwa ko noon si Quinn at sa kanan ko si Quinn. Ngayon, si Quincy ang nasa kaliwa ko at si Quinn ang nasa kanan ko. Naalala ko nang makabalik ako noon mula sa departamento ay umiiyak si Quincy, inaakalang iniwan ko na sila.
Nilibot ng paningin ko ang kwarto nila. Iba iba ang mga design sa may head board nila. Mayroon silang bookshelf dito sa kwarto na pinacustomize ko para sa kanila. Lahat nang natanggap at biniling libro ay doon nila nilalagay. At alam kong tapos na nilang basahin lahat 'yon.
Tumigil ang paningin ko sa night table na nakapwesto sa gitna ng kama nilang dalawa. Naroon ang moon lamp na binibili ko para sa kanila. Doon din nakapwesto ang alarm clock nila at ang dalawang picture frame. Ang isang picture frame ay kung saan nakangiti sila habang nakaakbay si Quinn kay Quincy. Ang isa naman ay kaming tatlo na magkakadikit ang mga pisnge habang nakangiti nang malapad sa camera. Pinagigitnaan nila ako at tuwang tuwa sa picture namin.
Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kumawala mula sa mata ko. Tahimik akong humikbi habang nakatingin sa kanilang dalawa. Natigil ako sa pag iyak at walang emosyong nakatitig sa kawalan.
Dalawang oras ang nagdaan at hindi nagbago ang posisyon ko. Nakaupo lang ako habang nakahalukipkip at nakatitig sa kawalan. Hinayaan ko ang mga bagay na pumasok sa utak ko kahit nakakadrain sa pakiramdam 'yon.
BINABASA MO ANG
Moon And Our Hearts
Ficción GeneralZahra meet Aziel, the biological father of the twins she adopted two years ago. She loathed him for abandoning the kids and letting them suffer alone. Aziel fought his right as the biological father of the twins, and also fought for Zahra's safety...