CHAPTER 12: BRIDGE
Zahra's POV
Kinausap muna ni Aziel si Milo. Sinabihan ko s'ya na s'ya lang ang sasama at kaming apat lang ang aalis. Kotse n'ya ang gagamitin namin dahil hindi naman kami kasya sa motor ko. Hawak ko ang dalawa na halata talaga'ng excited dahil kapag ganitong mamimili kami ay hindi lang basta basta pamimili ang gagawin namin kun'di ay gagala rin.
Tumango si Milo at napasulyap sa amin. Maiiwan s'ya dito sa department at hihintayin dumating ang iba'ng tauhan ni Aziel na susunduin s'ya. Lumapit si Aziel sa amin. Halata pa rin na kabado s'ya kapag nasa paligid ang kambal. Hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon n'ya na dapat ikatuwa n'ya.
‘Baka nabigla s'ya? Sayang surprise ko pa sana sa kan'ya 'yon, charot. Titingnan ko lang kung ano ang gagawin n'ya.’
“W-We're ready. Let's go.” tipid na ngiti n'ya sa amin. Agad ngumiti nang malapad ang kambal. Naglakad na kami papunta sa kotse n'ya. Binuksan ko ang back seat at doon pinapasok ang dalawa. Pagkapasok nila ay sinara ko ang pinto ng kotse at hinarap si Aziel na seryosong nakatingin sa'kin.
“What are you doing?” seryosong tanong nito sa'kin.
“Introducing you.” simpleng sagot ko. Napakunot ang noo nito.
“Why? You said you will not gonna give them to me.” bumuntong hininga ako.
“That is still my decision. But like what I've told you, it's the twins decision whether whom they want to go with.” tugon ko sa kan'ya. Hindi ko na inabangan ang susunod n'ya'ng sasabihin at pumasok na sa passenger seat. Humarap ako sa kambal at sinenyasan sila na suotin ang seat belt. Tumango naman sila at ginawa ang inutos ko. Inayos ko na rin ang seat belt ko. Naramdaman kong pumasok na sa driver seat si Aziel.
“Where to?” tanong n'ya at pinaandar ang kotse.
“Sa apartment ko muna, the twins need to change since we're going to mall and they're still wearing their school uniforms.” tumango nalang ito at agad nagdrive papunta doon. Alam ko nama'ng alam n'ya kung nasaan ang apartment ko dahil pinamamanmanan n'ya ako. Nilingon ko ulit ang kambal. “Kumain na ba kayo?”
“We ate breakfast before we go to school.” sagot ni Quincy habang nakadungaw sa bintana ng kotse at excited makita ang mga dadaanan namin. Tumango naman ako sa kanila.
“We'll buy the paints and canvases muna tapos gagala ta'yo.” nakangiti kong saad sa kanila.
“Yes, Mama!” sagot nila habang tumango tango na halatang excited talaga. Matagal tagal na rin ang huli kong paggala sa kanila, mga one month na before ng birthday nila kaya excited talaga sila.
‘Well, mga lakwatsera 'tong mga 'to kaya excited sa gala.’
Ibinalik ko ang tining ko sa harap. Nakita ko sa peripheral vision ko na sinisilip ni Aziel ang dalawa sa likod.
Nang makarating sa address ng apartment ko ay bumaba ako at pinagbuksan ang dalawa. Bumaba naman sila at nauna pumasok sa loob ng building. Tiningnan ko si Aziel. Lumabas naman s'ya. Tinalikuran ko na s'ya at naglakad na rin papasok ng building. Alam ko nama'ng nakasunod s'ya habang inililibot ang mata sa paligid.
Nakita kong nakaabang ang dalawa sa harap ng elevator. Lumapit ako sa kanila at pinindot ang elevator button. Bumakas ang elevator kaya pumasok na kami. Pagkapasok ni Aziel ay pinindot ko na rin ang floor na pupuntahan namin which is ang fourth floor. Anim na floor lang ang building na 'to na pagmamay-ari ng isa'ng japanese na may asawang Pinay.
Pagkatapos ng ilang segundo ay bumukas ang elevator kaya lumabas na kami. Nasa likod lang namin si Aziel na halatang inoobserbahan kami. Tumigil kami sa tapat ng apartment ko. Kinuha ko ang susi ko at binuksan iyon. Pumasok ako at hinubad ang suot kong sapatos. Ganon din ang ginawa ng kambal. Kinuha ko ang mga bag nila at nilagay 'yon sa sofa.
BINABASA MO ANG
Moon And Our Hearts
General FictionZahra meet Aziel, the biological father of the twins she adopted two years ago. She loathed him for abandoning the kids and letting them suffer alone. Aziel fought his right as the biological father of the twins, and also fought for Zahra's safety...