MAOH63: Your Story

581 19 0
                                    

CHAPTER 63: YOUR STORY

Zahra's POV

“Did you already checked the rooms upstairs, love?”

Napatigil ako sa pagtitirintas kay Quincy at kunot noong napatingin kay Aziel. Nasa may shore kami at nakaupo sa chaise lounge. Balak sana naming maglakad lakad sa may shore at abangan ang sunrise rito.

Umiling ako sa kan'ya. “Hindi pa.” saad ko at nagpatuloy sa pagbebraid sa buhok ni Quincy. Magkabilaang back french lang ang ginawa ko na bumagay sa suot n'yang floral dress na katulad sa sundress na suot ko.

“Oh, I thought you already saw it.”

“Wala pa akong time icheck 'yon. I'm busy with the twins.”

“And with me.” masama ko s'yang tiningnan pero parang wala lang 'yon sa kan'ya dahil malawak ang pagkakangisi nito.

“Edi wow.” inirapan ko s'ya bago tinalian ang dulo ng buhok ni Quincy. “Tapos na! You look pretty, my love.” nakangiti kong sambit sa kan'ya bago s'ya hinalikan sa pisngi. Napahagikgik naman s'ya.

“Of course, Mama, mana sa'yo.” pareho kaming natawa sa sinabi n'ya.

“Let's go,” aya ni Quinn na mukhang kanina pa gala na gala.

Sa mga lumipas na araw ay bahay o bayan lang ang gala namin. Madalas kaming nasa labas para mag enjoy. Nanonood kami minsan ng music shows sa ilang bistro at resto. Minsan din ay mga fire dance.

Wala kaming pinalampas sa daily shows nila rito sa Isla. Lahat nakakaenjoy. Kung hindi lang ako buntis ay matagal na naming sinubukan ang ilang activities dito. May ilang activities na rin kaming nasubukan na alam kong safe para sa'kin. Katulad ng clear kayak. Mas nagniningning ang ganda ng dagat, kitang kita talaga. Nag enjoy talaga kami roon.

Ngayon naman ay maglalakad lakad kami sa shore. Hindi pa namin nagagawa 'to simula nang mapunta kami rito.

Sa dalawang linggo namin dito ay wala kaming ibang ginawa kun'di bawiin ang mga oras na nawalay kami sa isa't isa. Lalo na kami ng kambal. Masaya ako at bumalik na talaga sila sa dating Quinn at Quincy ko.

Si Aziel naman ay alam na alam talaga kung paano ako baliwin. Paulit ulit n'yang sinasabi sa'kin na kasalanan ko raw dahil tumaas daw ang libido ko. Natural sa buntis ang pagtaas ng libido o sexual drive ko. Pinaalala na sa amin 'yun ng Obgyne na nagcheck up sa'kin noon pero hindi ko pinansin. Akala ko maiiwasan ko s'ya dahil naiimbyerna ako sa kan'ya, pero hindi pala.

Last week ay nagset ng appointment si Aziel sa Obgyne sa hospital ng Isla. Kaya naman ay may daily check up na ako roon. Isinama namin ang kambal sa ultrasound ko at tuwang tuwa naman silang dalawa, mas lalo na si Quincy dahil aagawin n'ya raw si Baby kay Quinn na s'yang may gusto ng babaeng kapatid.

Masaya ang naging takbo ng buhay ko rito kasama sila. Wala pa akong nakontak na kapamilya ko kahit na ibinigay na ni Aziel ang cellphone ko. Pinakuha n'ya rin ang luma kong phone kasama ang mga gamit ko sa condo ni West at idinala rito. Pero kahit ganon ay hindi ko inabalang buksan 'yon o gamitin.

Mukha mang ina-isolate ko ang sarili sa lahat ay wala na akong pake. Mas gusto ko munang makasama ang mag aama ko. Ang pamilya ko. Sila ang tumulong sa'kin mahanap ang sarili ko. At hindi ko akalaing mas may isasaya pa ako sa buhay.

Namulot ang kambal ng ilang mga shells sa gilid at ipapabitbit sa ama nila. Napangiti ako nang makitang nag eenjoy sila. Nagtatakbuhan at naghaharutan. Gusto ko mang makitakbo sa kanila ay takot naman akong baka mapano ako. Kuntento na rin akong pinanonood silang nagtatawanan at masayang masaya.

Successful naman at nakita namin ang pag angat ng araw. Tumatak agad sa isip ko ang sandaling 'yon. Nakangiti lang akong nakatitig sa papasikat na araw.

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon