MAOH50: Positive

543 14 1
                                    

CHAPTER 50: POSITIVE

Zahra's POV

Pigil na hikbi ang namutawi sa buong kwarto nina Mama. Pilit na pinoproseso ng utak ko ang mga nalaman at nabasa. Pero kahit anong gawin ko, hindi maintindihan ng utak ko ang nangyayari.

Pakiramdam ko pinaglalaruan nila ako. Pinaglalaruan ang buhay ko. Ang masakit ay kabilang ang mga magulang ko roon. Hindi ko inaasahan na sila ang isa sa mga lolokohin at gagaguhin ako.

Gumulo lalo ang utak ko. Maraming tanong na alam kong sila lang ang makakasagot. Pero hindi ko alam kung paano sila haharapin at kukumprontahin. Ayokong pangunahan ng galit nang hindi naririnig ang paliwanag nila.

Paliwanag nila, paliwanag n'ya ang kailangan ko.

‘Paanong ikinasal kami nang hindi ko alam? Eh ano si Scarlet sa buhay n'ya?’

Kaya pala. Nang umuwi sina Mama at Papa rito noong mag 18 ako ay may pinafill up-an sila sa'kin. Bantay sarado nila ang pagsulat ko non at basta nalang pinasulat ang pangalan ko nang hindi nababasa kung tungkol saan 'yon. Akala ko tungkol sa birth certificate ko lang 'yon.

Lumunok ako at pinunasan ang luha ko. Tumayo ako at inayos ang sarili. Nananakit ang lalamunan ko kakapigil ng hikbi. Kinalma ko ang sarili ko para hindi na maiyak pa.

“Ate?!” rinig kong tawag ni Zane. Huminga ako nang malalim bago pumunta sa pinto. Binuksan ko 'yon at lumabas.

Nagtatakang napatingin sa'kin si Zane at sa pintong pinanggalingan ko.

“Ate, ano'ng ginagawa mo d'yan?”

“May hinanap lang.” lumapit ako sa kan'ya. “Handa na ba ang pagkain?”

“Oo, Ate.” tumango lang ako. Naglalaro ang pagtataka sa mukha n'ya pero hindi na s'ya nag usisa.

Sabay kaming bumaba at pumuntang kusina. Nakahanda na ang pagkain at pagkakainan. Wala akong imik na naupo at nagsimula nang kumain. Napansin ata ng mga kapatid ko ang pananahimik ko kaya hindi sila masyadong nag ingay o nag asaran.

Nang maubos ang pagkain ko ay tumayo na ako. Iniwan ko na sila roon at bumalik sa kwarto nina Mama. Inayos ko ang mga gamit na nasira ko kakahalungkat. Basta ko nalang ibinalik sa mga lalagyan 'yon at hindi na inisip kung may makakapansin ba na may nagkalkal doon.

Sa kwarto ko ako dumiretso at inayos ang ilang gamit ko. Kinuha ko ang laptop ko na at nagbook ng flight online.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at nagchat sa GC namin.

Mga alipin daw ni Zahra 🤮🤮

Rich kid ang jowa ko
@David's hotdog @Mweow Edric Mweow Mauuna akong babalik sa Manila. Maiwan muna kayo sa department to make sure everything will go according to plan kapag aalis na rin kayo at babalik sa Manila.

Rich kid ang jowa ko
Wtf?! Bat n'yo na naman pinalitan ang mga nickname?! Tsk

Rich kid ang jowa ko cleared her nickname.

Zahra
Don't tell anyone I'm coming back in Manila tomorrow. Especially to Aziel. Gagawin ko lang ang punishment na ibibigay ni Prof. Make sure Black Fire won't have a hint that I came back in Manila. I'll reach out kapag tapos na ako.

Zahra
Please.

Ipinagpapasalamat ko na may rason pa akong maibibigay para hindi sila magtaka sa agarang pagbabalik ko.

In-off ko ng cellphone ko para walang kumontak sa'kin. Alam kong mabasa na ng mga kaibigan ko ang chat ko at wala ako sa mood nakipag asaran. Ayoko rin makausap muna si Aziel kung sakali mang tumawag s'ya.

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon