CHAPTER 19: GUIDANCE
Zahra's POV
Inayos ko ang buhok kong bahagyang nagulo dahil sa hangin. Napalunok ako nang mapansing maraming nakatingin sa pagdating namin.
‘Mga royalties po ang kasama ko, pasensya na.’
Napangiwi ako nang tinulungan akong makababa ni Aziel. Tinulungan n'ya rin makababa ang kambal na tuwang tuwa talaga sa sinakyan nila. Nakangiti lang si Aziel habang dinadaldal s'ya ng kambal. Sinenyasan ko si Aziel na s'ya muna ang bahala sa kambal. Napangiti ang guard nang makilala ako.
“Magandang araw, Ms. Valmorida.” ngumiti rin ako sa kan'ya. Napatingin s'ya kay Aziel na hawak hawak ang kambal.
“Magandang araw din ho.” saad ko. Tumango ako sa kan'ya at tuluyan nang pumasok. Nanatiling nakasunod sila sa'kin. Napangiti ako nang makita ang familiar na teacher na nasa registration booth.
“Hello, Ms. Valmorida!” magiliw na bati nito sa'kin.
“Good morning po, Ma'am Castro.” nakangiti kong sagot sa kan'ya. Napatingin ito sa kambal at kay Aziel. Bumalik ang tingin nito na sakin ng may pagtataka. “Sino s'ya?” sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kan'ya.
‘Oh akala n'ya jowa ko 'yan.’
“Tatay nila.” napatango tango s'ya habang nakangiti.
‘Hindi ba n'ya nagets 'yon?’
Kumuha s'ya ng isang form at ballpen at ibinigay sa'kin. Nag fill up ako at nagbayad para sa registration. Nakangiti ko sa kan'yang ibinalik ang form. Kinuha n'ya iyon at binasa. Nang mabasa ay tumayo s'ya at may kinuha sa isang box sa likod n'ya.
“Wait here for a minute, Ms.” umalis s'ya ng booth at nagpunta sa likod. Tulad nang sinabi n'ya ay naghintay ako ng ilang minuto. Pagkabalik n'ya ay ibinigay n'ya sa'kin ang apat na tshirts na kulay sky blue na iba't iba ang size. Yumuko ako nang bahagya at nagpasalamat.
“Sky blue?” nakangiwing tanong ni Quincy nang makalapit ako sa kanila. “There's no pink, Mama?” nagkibit balikat ako.
“Maybe the pink's slot is already full.” napapout s'ya.
“Sky blue is pretty too.” nakangiting saad ni Aziel.
“Don't mind the color, Quincy. It's just a color.” walang emosyon na sabi ni Quinn. Napapailing nalang ako.
“Tara, magpalit na tayo.” ibinigay ko sa kanila ang damit nila. Nagpunta kami sa Cr. Hinawakan ni Quincy ang kamay ko habang naglakad papasok sa Cr. Tinulungan ko s'ya magbihis ng damit. Nakaskirt pa s'ya na pink na lagpas tuhod. May ribbon din sa ulo n'ya. Lumabas s'ya ng cubicle at ako naman ang nagpalit. Nagpalit na rin ako ng pedal shorts na above the knee. Pagkalabas ko ay lumapad ang ngiti ni Quincy.
“We're so pretty, Mama.” napangiti ako sa sinabi n'ya.
“Of course, we are.” natatawa kong sabi. Hinawakan muli ni Quincy ang kamay ko at lumabas na rin kami ng Cr. Nakasalubong namin sina Quinn at Aziel. Napatingin ako sa surname na nakalagay sa kaliwang chest part ng damit namin na pinagawa kanina ni Ma'am Castro. Napangiti ako. Tulad nang dati ay Valmorida ang nakalagay na surname ng kambal. Napatingin ako sa surname ni Aziel na Arne ang nakalagay doon.
“Let's go?” tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. Bahagya akong ngumiti at tumango. Nakangiti akong hinawakan muli ni Quincy samantalang nakahawak si Quinn kay Aziel.
Nagpunta kami sa school grounds kung saan naroon na ang ilang mga magulang kasama ang kan'ya kan'yang mga anak. May naghahabulan, may mga magulang na nagkukumpulan. Napatingin sa'min ang ilan lalo na kay Aziel. Natawa ako nang makarinig ng hagikhikan na tila kinikilig kay Aziel nang mapadaan kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
Moon And Our Hearts
General FictionZahra meet Aziel, the biological father of the twins she adopted two years ago. She loathed him for abandoning the kids and letting them suffer alone. Aziel fought his right as the biological father of the twins, and also fought for Zahra's safety...