CHAPTER 41: PROPOSE
Zahra's POV
Napahaluyhoy ako sa sakit ng ulo pagkagising ko. Napasabunot pa ako sa buhok ko, umaasang maiibsan non ang sakit ng ulo ko.
‘Inom pa.’
Napatingin ako sa suot ko at nagtaka ako. Naka purple shirt ako at nakapanty lang, ni wala man lang bra. Pati ang panty na suot ko iba na, hindi naman ito 'yung sinuot ko kahapon.
Pilit kong inalala ang nangyari sa'kin matapos ang ilang tungga ko ng matapang na alak.
“Shemayyy na buhayy.” saad ko sa sarili nang maalala. Tatanga tanga ako at nahulog sa pool, dumating si Aziel at s'ya ang nag uwi sa'kin dito, nagbihis at natulog. Ako pa ang yumakap sa kan'ya.
‘Akala ko ba galit ka.’
Nakangiwi akong tumayo at pumasok sa closet n'ya. Naghanap ako ng shorts at sinuot 'yon, nagsuot na rin ako ng bra. Pagkatapos ay lumabas na ako. Naisip ko na baka umalis na si Aziel at pumunta na ng trabaho n'ya dahil alas otso naman na.
Natigilan ako nang madatnan s'ya sa kusina n'ya. Naramdaman n'ya ang presensya ko kaya hinarap n'ya ako at ngumiti.
“Good morning, love.” tinaasan ko s'ya ng kilay. “I cooked this for your hangover.” hinila n'ya ako paupo sa dining n'ya. Naka apron s'ya at halatang kagagaling lang sa pagluluto.
Kunot noo kong sinundan ang paglapag n'ya ng mainit na sopas sa harap ko. Nanunuot ang amoy non at natatakam ako.
“I'm not good cook as you, love but I hope it'll help you relieve your hangover.” tiningnan ko s'ya. Nakangiti s'ya sa'kin na para bang hindi ako inaway.
Bumuntong hininga ako at nagsimula nang kumain. Tumuloy tuloy ako subo ko kahit mainit init. Mas umaayos ang pakiramdam ko sa mainit na sabaw.
Naramdaman ko ang tingin n'ya kaya nag angat ako ng tingin para salubungin iyon. Nakatingin s'ya sa'kin na parang may hinihintay.
“Bakit?” tanong ko.
Ngumiwi s'ya, “Seriously, love? I'm waiting for your reaction.”
“Masarap,” nagpatuloy ako sa pagkain.
Totoo naman kasing masarap, sa amoy pa lang kanina, panigurado nang masarap. Lalo na ang sabaw n'ya, naparami ata ang cream kaya nagustuhan ko lalo.
Pagkatapos ay pinainom n'ya ako ng hangover pills. Hindi nalang ako tumanggi at ginawa ang gusto n'ya, para rin naman sa'kin at mahimasmasan ako.
Alam ko sa sarili kong hindi na ako galit pero hindi ko alam sa sarili ko ay nagiging casual nalang ako sa kan'ya. Siguro ay dapat muna naming mag usap pa ulit para umokay ako. Kailangan ko rin naman magsorry.
Hindi ako naligo at basta nagbihis nalang din nang mas casual. Gusto kong bumalik sa taas. Pagkalabas ko sa closet n'ya ay sakto namang papabukas na sana n'ya ng closet. Halos magbungguan kami at dahil doon nanuot sa ilong ko ang mabango n'ya. Nakakatempt na naman.
Nang tumabi s'ya ay dumiretso na ako sa side table n'ya. Kinuha ko ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto n'ya. Baka pupunta na rin s'ya sa opisina n'ya. Bahala muna s'ya, kailangan ko lang magpahangin.
Nang makarating sa taas ay tumambad sa'kin ang ganda at aliswalas ng lugar kapag umaga. Walang halos tao, may mangilan ngilang nags-swimming sa pool habang may kumakain sa mini bar na mukhang resto na ngayon. Siguro resto sa umaga, pasimuno ng walwalan sa gabi.
Dumiretso ako sa maliit na garden doon. Ang bench ay nakatapat sa railing pero makatatlong hakbang ang layo. Nasa likod non ang mini garden at matatakpan ka kapag tatambay ka roon.
BINABASA MO ANG
Moon And Our Hearts
General FictionZahra meet Aziel, the biological father of the twins she adopted two years ago. She loathed him for abandoning the kids and letting them suffer alone. Aziel fought his right as the biological father of the twins, and also fought for Zahra's safety...