EPILOGUE

751 22 2
                                    

EPILOGUE

Sa bawat pagpatak ng oras, sa paglipas ng araw, lagi kong sinisiguro na hindi ako magpapadala sa paranoia. Hindi mawala sa'kin ang pag aalala na baka isang araw ay may mangyaring masama sa mga anak ko kapag napalayo sila sa'kin. Hindi araw araw ay kasama ko sila. Kailangan din nilang pumasok sa school.

Matapos kong makausap si Tito Michael ay nagkaroon ako ng ideya kung sino sino ang pwedeng magtangka sa mga anak ko. Natulungan din ako ni David tungkol sa bagay na 'yon. Nagprisinta silang tumulong pero tinanggihan ko na. Mas maiging hindi sila konektado sa gagawin ko.

Bumalik ang Chamber of Secrets. At sa akin nga ipinasa ni West ang pagiging Creator ng lugar. Inaannounce na 'yon kaya naman ngayon ay salubong ang kilay ni Aziel habang nakatingin sa'kin.

“Why did you accepted it?” nagtitimping saad nito. Alam ko namang ayaw n'ya akong mapunta sa ganong klaseng buhay. Pero buhay na ang gumagawa ng paraan para mapunta ako sa ganon.

“What do you know about Scarlet's uncles?” seryoso kong tanong sa kan'ya.

Kumunot ang noo nito. “Scarlet's uncles?”

“And the money.”

Nawalan ng emosyon ang mukha nito. Napatiim ang bagang nito bago umiwas ng tingin sa'kin.

“Aziel,” nagbabantang tawag ko sa kan'ya.

“I'm handling them very well, you don't need to worry anything.”

“Ano?!” Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. “So, you already knew about them?”

Bumalik ang tingin nito sa'kin. “Scarlet warned me about it before. That's why I'm doing my best to make sure you're all protected.”

“Aziel naman! This is about the safety of our family, bakit mo sinosolo?! You should've told me so I know what to do! Hindi 'yung napaparanoid na ako rito kakaisip!”

“I told you, there's nothing to worry about. I can protect all of you.”

Agad lumalim ang kunot sa noo ko dahil sa pagkainis. “Sure you can. Pero ang akin lang, dapat sinabi ko sa'kin. Mag asawa tayo yet you're keeping secrets regarding to the safety of this family.”

“I don't want to worry you. You're already happy with the life we had right now. I don't want to take that away from you.”

“Masaya nga ako, pero paano kapag nawala ka sakin kakasolo mo n'yan? Ha?”

Agad lumamlam ang mata nito. Inabot nito ang pareho kong braso at marahang hinimas 'yon.

“I'm sorry. I just can't take seeing you going back to your old work. You deserve you live your life happily without worrying about your safety.”

“Kung kinakailangan kong bumalik sa ganong trabaho, gagawin ko if that means protecting this family.” madiin kong saad sa kan'ya.

“That's why you accepted West's offer.”

“Yes. To make more connection and protection.”

Mas lumambot ang tingin nito sa'kin. Wala itong naging sagot sa'kin at nanatiling nakatingin sa'kin.

“Mag asawa tayo, Aziel. Mga magulang tayo. Magkasama dapat tayong poprotekta sa pamilyang 'to. I don't know what can I do if ever I loose you or my kids. Makakapatay ako, Aziel. Please, 'wag mo namang solohin. You have me.”

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon