MAOH7: Danger

1.1K 66 1
                                    

CHAPTER 7: DANGER

Zahra's POV

“He's here again.” bungad sa akin ni Edric at saka itinuro ang lalaking nasa waiting bench. Napakunot ako ng noo nang makilala iyon.

What is he doing here?

Tumango ako kay Ed at lumapit kay Mr. Arne. Napatayo naman s'ya nang makita ako. Nanatili ang wala'ng ekspresyon sa mukha nito.

“I need to talk to you.” saad nito.

“As far as I remember, we're done talking.” nakita ko sa peripheral vision ko na kumuyom ang kamay n'ya. Nagtitimping napabuntong hininga s'ya.

Maiksi ang pasensya ng ferson.

“If you want to know why I need to get my kids back, you have to listen to me.” blangko ko s'ya'ng tiningnan. Tinalikuran ko s'ya at naglakad na papasok ng opisina. Naramdaman kong nakasunod s'ya. Pagkapasok ay umupo na ako sa office chair at s'ya naman ay naupo sa upuan sa harap ko.

“Tell me.” saad ko.

“Something will gonna happen if they'll stay more with you. In order to protect them, and to protect you, and your family, you have to give them to me.” kumunot ang noo ko.

“What do you mean by protecting me? Are you some kind of a mafia and there's a lot of people haunting and wanted to kill you?” inis kong tanong sa kan'ya.

“I'm not in the mafia. I don't do shits.” inis n'ya ding sagot sa akin. Napairap ako at tiningnan s'ya nang matalim.

“Then what is it?”

“Someone want my kids dead.” napatitig ako sa kan'ya nang matagal. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa mga narinig.

“Don't tell a fucking lies to me just so I could give them to you.” galit kong sagot sa kan'ya. Nanlisik ang mata ko na tiningnan s'ya.

“Look, I'm not lying—” napatigil s'ya nang biglang tumunog ang alarm ng departamento. Napatingin ako sa kan'ya.

“Leave. I have a lot of things to do.” malamig na saad ko at lumabas ng opisina. Agad din ako'ng pumunta ng locker para magbihis na. Agad kaming sumakay sa fire truck at tuluyan nang pumunta sa pinangyayarihan ng sunog.

Habang nasa trabaho ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi n'ya. Iniisip kong mabuti kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit may gustong pumatay sa kambal.

Una, mayaman s'ya. He has competition in everything. But it doesn't make sense kung ang kambal ang sasaktan nila. Pangalawa, mafia leader s'ya and his enemies want him and his entire family dead. Pangatlo, something more is going on. But what is it?

Buong araw na kinain ang isipan ko ng mga sinabi n'ya. Nag-iisip ako ng paraan para alamin kung nagsasabi ba s'ya ng totoo. At kung totoo man ay bakit ang laging naiiwan na tanong sa akin.

Napatingin ako sa kambal na natutulog sa mga kama nila. Napabuntong hininga ako at napahilamos ng palad. Tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko. Pagkatapos ko mag asikaso ay nagpahinga na rin ako.

Kinabukasan maaga ako'ng nag asikaso. Ginising ko ang kambal upang makaasikaso na rin sa pagpasok sa school. Pagkatapos mag-agahan ay nagpaalam na kami na aalis na. Nagmaneho ako papuntang school.

Bago kami makarating sa entrance ng school ay napansin ko na naman ang tao'ng nakaupo sa waiting shed na animo'y naghihintay ng masasakyan. Nakatitig ulit s'ya sa kambal. Nilampasan ko s'ya at tuluyan nang nakarating sa entrance ng school. Hindi ako bumaba ng motor at lihim na binantayan s'ya sa side mirror ng motor ko.

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon