MAOH33: Smile Genuinely

715 31 1
                                    

CHAPTER 33: SMILE GENUINELY     

Zahra's POV

Matapos tanungin ni Aziel ang isang katulong kung nasaan ang kambal at dumiretso kami sa garden ng masyon nila.

‘Isa sa mga garden, actually.’

Halon may garden sa libot ng masyon nila na nagpaganda lalo sa masyon nilang parang kastilyo sa ganda.

Nasa garden daw ang kambal kasama ang parents ni Aziel at nag uumagahan. Doon naman daw talaga sila madalas kumain kapag kumpleto sila sa bahay minsan.

Hawak ni Aziel ang kamay ko habang sabay kaming naglalakad papunta sa garden nila. Tahimik s'ya pero hindi 'yung tulad kaninang katahimikan na alam mong may iniisip s'ya. Kapag nililingon n'ya ako ay masuyo n'ya akong nginingitian.

“Mom..” tawag nito sa ina nang makarating kami. Agad lumingon sa amin si President na nakaupo katabi ang asawa. Magkatabing magkatabi sila kahit na nagbabasa sa tablet ang asawa ay nahagilap ng mata ko ang magkasiklop nilang kamay.

“Oh good morning, lovers.” nahihiya akong ngumiti sa sinabi ni President.

“Good morning too.” sagot ni Aziel sa kan'ya. Hinanap ko ang kambal na wala sa mesa. Nakita ko sila sa 'di kalayuan, naglalaro. Naghahabulan at nagbabatuhan ng kung ano.

“Don't worry, they already ate their breakfast, dear.” napatingin ako kay President na nakangiti sa'kin. Napansin n'ya siguro na nakatingin sa kambal. Nginitian ko s'ya bilang sagot. Minuwestra n'ya ang kamay na maupo na ako.

Pinaghila ako ng upuan ni Aziel, naupo ako roon at s'ya naman ay naupo sa kanan ko. Paharap kami sa kambal para kita ko ang ginagawa nila.

Napatingin ako kay Aziel nang lagyan n'ya ng garlic rice ang plato ko, kasunod non ang dalawang bacon at hotdog. Nginitian ko s'ya saka kumain na.

‘Alaws bang kape? Huhu.’

“How's your sleep, Zahra?” napatigil ako sa pagnguya at napatingin ako kay President. Nilunok ko muna ang sa bibig ko bago sumagot.

“Okay naman po.”

“Maayos ka bang nakatulog? O hindi ka masyadong pinatulog ng anak ko?” muntik na akong mabilaukan sa narinig. Narinig ko ang paghalakhak ni President kaya tabingi akong napangiti sa kan'ya.

“Mom!” nagbabantang tawag ni Aziel sa ina.

“M-Maayos naman ho.” sagot ko sa kan'ya saka uminom ng juice.

“I'm just messing around, lovers.” nakangisi nitong saad sa aming dalawa. Natawa na rin ako sa sinabi n'ya at nagpatuloy sa pagkain.

Tinapos ko na agad ang pagkain ko. Napanguso nga lang ako dahil wala akong kapeng nainom ngayong umaga. Nakakahiya magrequest ng kape, baka mas lalo akong magmukhang siga dahil sa kape. Para na kasi akong tambay sa suot ko.

Naramdaman ko ang pag usog papalapit sa'kin ni Aziel. Napatingin ako sa kan'ya, hinila n'ya pala ang upuan n'ya papalapit sa'kin at idinantay ang kaliwang braso sa backrest ng upuan ko.

Hindi ko s'ya pinansin at nakatingin lang sa kambal na nagtatagisan naman ngayon, ewan ko kung tungkol saan. Bahagyang malayo sila at hindi namin marinig pero base sa body language nila ay nag aargumento sila.

“They're so lively kids. Smart and clever kids. May pinagmanahan.” komento ni President na nakatingin din pala sila sa kambal. Napangiti ako sa sinabi ni President. “But still, they seem to be matured and understanding type of kids. Lagi nilang sinasabi sa'kin ang bilin mo sa kanila. They really respect you a lot, Zahra.” nilingon ako ni President na nakangiti.

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon