MAOH52: First Step

526 20 4
                                    

CHAPTER 52: FIRST STEP

Zahra's POV

Parang wala akong buhay na naglalakad patungo sa apartment na tinutuluyan namin. Gusto ko nalang matulog ngayon para makalimutan saglit ang sakit. Baka sakaling kaya ko na pagkagising ko. Kasi pinamamanhid ako nito ngayon e. Sobrang nanunuot 'yung sakit.

Binuksan ko ang apartment at nadatnan ko ang mga kapatid ko na naglalaro ng cellphone sa couch. Tinapunan ko sila ng tinatamad na tingin bago tumuloy. Umangat ang tingin nila at agad ibinato 'yon sa'kin.

Nang dumaan ako sa harap nila ay may kamay na pumigil sa'kin. Napatingin ako sa kaliwa ko at sumalubong sa'kin ang nag aalalang tingin ni Zach sa'kin. Sa tabi n'ya si Zane na tumigil din sa paglalaro at lumapit sa'min.

“Anong nangyari?” tanong ni Zach. Maliit na ngiti ang iginawad ko sa kanila at marahang umiling.

“Nakakapagod lang maglakad. Ginabi na nga ako.” tiningnan ko ang lamesa at nakitang walang pagkain doon. Tiningnan ko ulit sila. “Kumain na ba kayo? Magpadeliver nalang ulit kayo. Tsaka na ako magluluto kapag dumating na ang mga appliances na inorder natin online.”

Pilit kong tinanggal ang kamay ni Zach.

“Ate naman!” nagulat akong napatingin kay Zach na sumigaw. “Bakit ka ba gan'yan? Lagi ka nalang gan'yan. Hindi ka okay pero ang ayos mo kapag kinakausap mo kami. Nasaan na 'yung sinabi mong mag open up kami sa'yo kapag nasasaktan kami? Bakit hindi mo 'yun magawa samin, ha?”

“Zach..” anas ng kapatid n'ya.

Napatitig ako kay Zach. Namuo ang luha sa mata nito at pilit nilalabanan ang pag iyak.

“Ate, hindi kami bobo para hindi ka mabasa. Aalis kang okay, may pulidong plano sa utak mo. Pero umuuwi kang hindi okay pagkatapos. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga lakad mo pero ang alam ko, sinasaktan ka ng mga 'yon.” nanginig ang boses nito.

Napayuko ako dahil ayokong makita ang mga mukha nila. “Sorry. Dapat hindi ko na kayo dinala rito. Kailangan n'yo pa tuloy akong isipin.”

“Ate, mahal na mahal ka namin.” napatingin ako kay Zane na nagsalita. “Mahal na mahal kita.”

Katulad ni Zach ay namuo ang luha nito sa mata.

“Sobrang proud ako na naging ate kita. Ang tatag mo e. Pinoprotektahan mo kami lagi, lalo na n'ung bata kami. Mga lalaki kami pero hindi man lang namin napagtanggol ang ate namin. You spoiled us. Kahit walang wala ka na, basta mabigyan mo kami. Kaunting request namin sa'yo, ibibigay mo agad kahit mahirapan ka sa pagkuha non basta maibigay mo sa amin.”

“God knows how much we are grateful to have you as our Ate. Masama mang pakinggan 'to, pero mas ramdam ko ang pagiging nanay mo sa amin kay'sa kay Mama.” saad ni Zach. “Katulad ng lagi mong sinasabi minsan, it's okay not to be okay sometimes.”

Nakagat ko ang ibabang labi. Nakalimutan kong ang mga lalaki ngayon sa harap ko ay ang unang dahilan kung bakit mas pinili kong lumaban muna bago sumuko. Ang mga kapatid ko na prinotektahan ko laban sa lahat. Nakalimutan kong nandito pa pala sila.

“Nandito lang kami para sa'yo, Ate.”

“Talikuran ka man ng lahat, nandito kami para salubungin ka ng yakap.”

Akala ko, ang kambal ang pinakahuling taong iisipin na iwan at tatalikuran ako. Sila ang unang yayakap sa'kin kapag ayaw na sa'kin ng lahat. Pero nagkamali ako.

‘Ang mga kapatid ko ang unang gagawa non.’

“Ate, hindi masamang umiyak. Hindi sa lahat ng oras matatag ka. Yayakapin ka namin katulad ng pagyakap mo samin kapag nasasaktan kami.”

Moon And Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon