4- Troublesome

41 6 1
                                    

(Clariss POV)

Nandito ako ngayon sa parking lot ko. Parang trip ko mag motor ngayon. Pinili ko ang motor ko na Energica Ego 45. This is my cheapest motorbike but still a limited edition. Sinuot ko na ang helmet ko at pinaharurot ang motorbike ko sa highway!

Pagdating ko sa school ay ako na mismo ang nagparada ng motor ko. Baka kasi di marunong yung Valet matumba pa, magasgasan pa yung motor ko!

After that ay dumeretso na ako sa room konti palang ang tao dito kaya umupo na ako sa upuan ko. May naglapag ng burger sa desk ko kaya napangiti ako. Ito yung rason kung bakit hindi ako nag-aalmusal kasi mahal ako ng mga classmates ko, lagi nila akong binibigyan ng foods nila. Hihi.

"Thanks" sabi ko at sinimulang kumain. Napatingin ako sa dalawa na kanina ko pa napapansin na nakatingin sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko sa dalawa.

"Ahh.. Ano.. Gusto ko sanang makuha ang cellphone number mo" sabi nung Jude kaya napatigil ako sa pagnguya.

"Ahh, wala akong cellphone eh. Walang pambili, scholar lang ako dito" rason ko at mukhang naniwala naman yung Jude. Yung Kris naman ay  nakaub-ob ang ulo sa arm desk.

"Ahh ganon ba? Gusto mo ibili kita? " nagliwanag naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Sige! Wow... Ang bait mo naman!" Malawak na ngiting sabi ko.

"Oo, ibibili kita pero kiss mo muna ako" sabi nito na nakangiti habang tumataas baba ang dalawang kilay. Napa-inom ako nang tubig at tinignan siya ng nakangiti din. Gusto mo maglaro ah. Sige.

"Pasensya ka na pero hindi ako humahalik sa itik eh" narinig ko ang tawanan ng mga classmates ko dahil sa sinabi ko.

"Sinasabi mo bang itik ako?" Galit na sabi nito sa akin.

"May sinabi ba ako? Ikaw lang nagsabi niyan." Napangisi ako dahil kitang kita ko inis sa mukha niya.

"Tomboy ka siguro no? " ayaw mo tumigil ah.

"Kahit sinong babae gugustohing maging tumboy kaysa humalik sa itik" hahhaha.. Muling nagtawanan ang mga kaklase ko. Buti nga sa kanya. Di niya ba alam na reyna sa sagutan to? Tss.

Pabalya siyang tumayo at hinigit ang kwelyo ko kaya napatayo ako. "Jude If you will start this make sure you know how to end this" sabi nung Kris kaya napabitaw si Jude sa akin at muling umupo. Napasunod siya ng ganoon lang?

"Pikon eh!" Pang-aasar ko sa kanya. Hahaha. Sinamaan lang ako nito ng tingin.

Matapos ang klase namin ay deretso na ako sa cafeteria sa pinakadulo as usaul. Same set padin inorder ko at nagsimula ng kumain.

Nakita ko ang pinsan ko na andumi ng uniform habang papasok sa cafeteria. Ano ba itong si Insan! Nabully nanaman. Medyo nakunsensiya din ako habang tinitignan siyang ibully ng ibang 1st year kaya naman ay tinawag ko si Max na nasa kabilang table kasama yung apat. Sila ang lider ng frat sa school.
Sinenyasan ko itong lumapit sa akin at ginawa niya naman.

"Anong kailangan mo Clariss? Sasali ka na ba? " sabi niya.

"Hindi loko! Haha. Gusto ko sanang protektahan niyo yun" sabay turo ko kay insan. "Pinsan ko kasi yan" dugtong ko.

"Ahh yun lang ba? Sige" tumayo ito at nilapitan ang mga first year na nambubully kay insan.
"Sa sunod na bullyhin niyo pa to, ilalampaso ko yang mga mukha niyo" agad na nagtakbuhan ang mga kumag. Tss. Umalis na ako sa cafeteria at bumalik sa room.

Umupo ako sa upuan ko at napatingin sa bintana, tanaw dito ang kalangitan. Ang payapa nito at ang gandang pagmasdan ng mga ulap na lumulutang doon.

Biglang napahawak ako sa bulsa ko dahil nagvibrate ito. Dali dali ko itong dinukot at tinignan.

A video clip na sinend ni pinsan?

Madilim pero aninag ko naman yung video. Isang tao ang naglalakad sa daan sa division 10. Since nakalagay na Division 10 ang nasa taas ng clip. And Division 10 din ang pinakadulo ng Hallow City kung saan kaunti lang ang population dito dahil sa dagat at gubat na nandito.

Napatutok ako sa tao na bigla na lamang humawak sa kanyang ulo na parang ang sakit sakit nito tapos maya maya pa ay naglupasay na siya sahig.

Napangiwi ako dahil nagkabali bali ang mga buto nito at parang naging zombie siya! Maya maya pa ay may dumaang aso at nagulat ako dahil dali dali niya itong hinablot at kinain!

Nagreply ako sa chat ni insan.
>seryoso to?

Esesend ko ba kung hindi?<
Anyways, napatay na ang halimaw na yan ng mga police doon sayang nga lang at nasunog ang katawan<

>Usap na lang tayo mamaya sa bahay.

After that ay binulsa ko na ulit ang cp ko.

"Sabi niya wala siyang CP dahil walang pambili, naka latest iPhone nga eh" rinig kong sabi ni Jude na parang kinakausap si Kris.

"Ahh yung cp ba? Nakita ko lang yun sa daan kaya hindi ko na isinauli sa may-ari kasi kailangan ko ng cp hihihi" sabi ko na ikinanuot ng noo niya.

"Sinong niloloko mo?" Sabi niya.

"Ikaw. Ikaw lang naman kausap ko eh. Bobo ka talaga" after kong sabihin yan ay mabilis akong lumabas dala dala ang bag ko hahahah. Hindi na ako papasok may pupuntahan pala ako.

(Madisson POV)

Kasalukuyan akong nagreretouch dito sa ladies room. Napahinto ako sa pagkalkal sa bag ko dahil sa may naririnig akong kababalaghan.

"Ugh!! Yes baby! Ayan na! Ugh!!! "

Is that a moan? So cheap huh! Dito talaga sa banyo?

Inisa isa ko ang cubicle hanggang sa buksan ko ang panghuli and there I saw them. Nakayuko ang babae habang inaayos ang damit niya at ang lalaking nakangiting malapad na nakatingin sa akin.

"You want to join? I can still do the 2nd round" he said and wink na nagpangiwi sa akin.

"You're so cheap! " tumalikod na ako at muling humarap sa salamin. Sumunod naman ang manyak sa akin at mukhang iaakbay niya pa ang braso niya saken.

"Try to lay your dirty hand on me and I will cut that head between your legs." Seryoso kong sabi kaya napataki siya ng dalawang kamay sa alaga niya.

Matapos kong mag-ayos ay hinarap ko ang lalake sa tabi ko.

"You want me to give you a blow?" Flirty kong sabi na ikinangiti niya.

"Yes baby!" Sabi nito at dali daling binuksan ang zipper ng short niya.

"Then take this blow" binigyan ko siya ng uppercut na sinisigurado kong hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Tumilapon ang lalake at nawalan ng malay dahil sa solid na tama ko sa kanya.

Lumabas na ako ng ladies room ngunit bago ako tuluyang nakalabas ay hinarap ko muna yung lalakeng walang malay at nginisihan.

I'n not a Campus Queen for nothing!

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now