19- Confirmed and Concern

19 2 0
                                    

(Shadow POV)

Gabi na nang malapit na naming matapos ikutin ang buong Division 1. Hindi na kami dumaan sa Secret Agency since malalaman ng Mayor yun ay paniguradong wawasakin niya yun.

Nagpaabot lang ng mensahe si Ms. Samantha that they are okay there.

Ito na ang panghuling lugar na pupuntahan namin sa Division 1. Ang isang kilalang resort. For sure andaming tao dito.

Pumarada ang sasakyan sa entrance gate ng resort at isa-isa na kaming bumababa.

The thing about sa mga halimaw na ito ay naka stay lang sila sa isang place. Hindi sila gala! Kikilos lang sila kapag nakarinig at nakaramdam sila ng presensiya ng tao.

Kinuha ko ang pistol na nakasabit sa baywang ko at inalerto ang sarili ko. Dahan dahan kaming pumasok sa resort at nakita namin andami ngang halimaw dito. Mga dating nagtatrabaho dito at ang mga costumers.

Wala kaming choice kundi patayin silang lahat dahil iyon ang utos sa amin.

Naghiwa-hiwalay na kami ngunit bago pa ako makalakad ay hinila ni Kris ang braso ko at iniharap ako nito sa kanya.

"Take care" he said coldly at iniwan ako doong nagtataka.

Kailan pa siya naging concern sa akin? Geez... Nababaliw na nga talaga siya.

Pumunta ako sa part ng resort kung saan makikita ang mga rooms. Dalawang palapag na gusali at puro rooms lang ang nandito.

Nakakatamad mang gawin ay inisa isa kong buksan ang bawat pinto ng mga rooms. Nakahanda din ang baril ko kung sakaling may biglang tumalon upang atakehin ako.

Ngunit nakaabot na ako sa pinakadulong room ay walang tao ang bawat rooms kaya umalis na ako doon. Pagdating ko sa ibaba ay napako ako sa kinatatayuan ko at napalunok ng laway.

Pitong aso na may natutustang mga balat ang naghihitay dito sa akin sa ibaba, nakatingin din sila sa akin at handa na akong sakmalin!

Pinaputukan ko ang mga ito habang nagsimulang tumakbo sa hagdan papunta sa itaas. Shit!! Bat wal akong matamaan sa kanila!

Nasa hagdan na ako ng naisipan kong itapon ang baril at kinuha ang katana na nakasabit sa likod ko. Isang aso ang tumalon sa kinaroroonan ko ngunit imbis na umiwas ay mabilis kong winasiwas ang katana ko dahilan na magkapira-piraso ito.

Mabilis akong tumakbo papuntang second floor at sumalubong sa akin ang railings na nagsisilbing bakod ng bawat kwarto.

Nilingon ko ang likuran ko at nakita sila na tumatakbo patungo sa akin kaya mabilis akong pumatong sa railings at tumalon pababa sa first floor. Bumagsak at nagpagulong-gulong ako dito at mabilis na tumayo.

Dalawang aso ang tumalon din at ngayon ay nasa taas ko na. Isang hawi ng katana ko at naputolan sila ng mga ulo. Apat pa. Tinignan ko ang apat na pababa na nang hagdan.

This time ako na ang sumugod sa kanila. Sinalubong ko silang apat at inatake ang nasa unahan, may tumalon din sa likod ko at magkabilang gilid.

Napangiwi ako sa sakit ng makaramdam ng kagat sa kaliwang braso ko, ininda ko ang sakit at pinaghihiwa ang dalawang nasa magkabilang gilid ko habang sinipa ko naman ang nasa harap ko. Nagulat pa ako dahil tumilapon iton ng malayo.

Napaimpit ulit ako ng sigaw dahil isang kagat naman ang nasa balikat ko! Shit! May isa pa pala. Mabilis ko siyang nilingon at tinusok ang noo nito.

Huminga ako nang malalik at tinakpab ang sugat ko sa balikat dahil sa patuloy na dumadaloy ang dugo nito. Bweset na mga aso yan. Nasugatan pako!

Naliligo sa dugo ang katawan ko, maging ang braso ko ay puno ng dugo dahil sa sugat ko.

Bumalik ako sa van at nakita silang nandoon. Mga bweset sila, di man lang ako tinulongan.

"Hey! Are you okay?" Snipey asked habang dali dali ako nitong inakay sa balikat niya.

"What happened?" She asked again.

Nakadating kami sa loob ng van at tinulongan nila akong dalawa na talian ang dalawa kong sugat.

"I'm okay" I said to her. Kita ko ang pag-alala sa mukha niya na pilit nitang tinatago. It made me smile though. Kahit papaano ay nag-aalala din sa akin si Snipey.

"We should go" iyon lang ang sinabi ko at naramdaman ko nalang ang pagdilim ng paligid ko.

Nakita ko ang sarili ko na nasa isang madilim na lugar. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar ngunit wala talaga. Wala akong maaninag.

Ngunit maya maya pa ay isang dilaw na liwanag ang nabuo sa aking harapan hanggang sa ang liwanang na ito ay naging isang tao, isang lalake. Kakaiba ang kanyang itsura at kasuotan. Dahil kulay ginto ang kanyang mga mata at buhok na mahabang nakatali sa likod. Ang kanyang kasuotan na puno ng baluti na pang digmaan at ang malaki niyang espada sa kanyang kanang kamay habang nasa kaliwa ang gintong kalasag.

"Sino ka at nasaan ako?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi ito nagsalita at tinitignan lamang ako.

Nilahad nito sa aking harapan ang kanyang palad na sinasabing hawakan ko iyon at sumama sa kanya ngunit nagdadalawang isip ako pero tinanggap ko din sa huli ang kanyang palad.

Isang segundo lang ay nasa himpapawid na kami at nakita ko ang buong siyudad sa baba maging ang napakadaming espirito na naglilibot sa paligid.

"Teka?? Sila nga ang dahilan kung bakit nagiging halimaw ang mga tao!" Mabilis kong hinarap ang lalake ngunit si Kris na ang nakita ko at buhat buhat niya ako.

Teka nasaan na yung lalake? Tsaka bat buhat buhat ako ng lalakeng ito?

"What are you doing?" I ask him ngunit deretso lang siya sa paglakad hanggang sa pumasok kami sa isang silid at dahan dahan niya akong nilapag sa kama.

"Rest, we're in Mayor's headquarters. He gave us room to stay so rest here." After he said that ay lumabas niya siya. Tss.

Baka panaginip lang yung kanina? Pero pwede ring totoo yun? Yung mga multo, saan sila nagmula? At bakit nandito sila? Diba dapat nasa hell sila? Tss!

Napalingon ako sa pinto at doon ay pumasok si Snipey at naglakad papunta sa akin.

"You okay now? You passed out in the van and Kris carried you" she look at me and checking my wounds.

"Thanks Snipey" ngiti kong sabi sa kanya.

Napataas ang kilay niyang nakatingin sa akin. "For what?"

"For your concern"

Ngumiti siya at tumayong naglakad papunta sa pinto.

"We're friends right?" After that, she left smiling.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now