35. You Gotta Be Kidding Me

17 2 0
                                    

(3rd Person POV)

Naging tahimik ang buong paligid sa port ng division 10. Tuluyang nawala ang nag-iitiman na mga ulap na bumabalot sa kalangitan at doon ay muling lumabas ang liwanag ng kalangitan. Naging magulo man ang buong lugar, ang kaguluhan naman humantong na sa katapusan.

Kasalukuyan pa ding nakalitaw ang limang spirit sa harapan nila Shadow at ng iba pa. Matapos ng walang humpay na pasasalamat ay tumango sila sa isa't-isa at muling hinarap sila Shadow.

"Ngayon na tapos na ang digmaan, wala na kaming rason upang magtagal pa sa inyong mundo. Babalik na kami sa aming pinagmulan upang mag-umpisa muli." Si Runo na nagsasalitang nakatingin kay Shadow.

"Magiging parte kayo nang aming kasaysayan at ang inyong mga nagawa ay mababasa sa mga libro sa aming mundo na maging ang susunod na henerasyon ay malalaman ang kagitingan na inyong ginawa" dugtong naman ni Hylos.

"Walang anuman, ginawa namin iyon para rin sa aming mundo. Napakadaming buhay ang nawala ngunit magpapatuloy pa din ang pag-ikot ng mundo at magpapatuloy pa din kami sa aming buhay. Hindi rin namin magagawa ito kung wala kayo kaya nagpapasalamat din kami" magalang na sabi ni Shadow na tinanguan naman ng apat niya na kasama.

"Kami ay babalik na sa aming mundo. Lago niyong tatandaan na ituturing kayong bayani sa aming mundo" iyon ang sinabi ni Sherra bago tinanguan ang kanyang mga kasama. Naghawak-hawak sila nang mga kamay at may binubulong. Maya-maya pa ay isang lagusan ang lumitaw sa kanilang likuran.

"Hanggang sa muli" Hylos

"Mag-iingat kayong lahat" Felix

Habang ang tatlo ay bahayang yumuko at sumunod na sa pagpasok sa lagusan. Pagkapasok nilang lima ay bigla ding naglaho ang lagusan.

"What now?" Trisha asked the rest.

Biglang tumayo si Shadow at lumapit sa isang puno na kung saan sa lilim nito ay may iilang bulaklak. Pumitas ito ng isa at pumunta sa dalampasigan.

"Hanggang sa muli Dunkan. Patawad kong nabigo akong iligtas ka. Mamimiss kita insan" bulong nito habang namumuo ang luha sa mga mata. Dahan dahan niyang nilagay sa tubig ang bulaklak.

"Kung nasaan man sila, sana ay mapatawad nila tayo. Hindi natin sila nagawang maligtas" napalingon si Shadow sa kanyang gilid at doon ay nakatayo si Sniper, kasunod nito si Kris, Jude at Trisha. Nginitian niya ang mga ito at nag-inat ng katawan at bumalik sa lilim ng puno at doon ay nahiga.

"Pwede paidlip muna kahit saglit lang?" Saad nito at tuluyan ng nahiga at pinikit ang mata ngunit kakapikit niya pa lang ay nakarinig ito nang tunog ng mga Helicopters kaya muli nitong dinilat ang kanyang mga mata. "Urgh!!! Ano nanaman ito?" Inis niyang sabi at tumayo upang pagmasdan ang mga helicopters.

(Shadow POV)

Papalapit ng papalapit ang mga helicopters sa amin. Nagtipon tipon ulit kami sa dalampasigan at tinatanaw ito.

"So we've got a late reinforcement?" I ask them.

"Look" Sniper said at tinuturo ang dagat. Mayroon din mga cabin cruiser ang paparating at paikot-ikot sa dagat.

"They're searching for the bodies" Kris said.

Mabuti naman, I want to give a proper burial kay insan. Masakit pa din sa tuwing naiisip ko, ngunit wala na akong magagawa pa para ibalik siya. Hindi mabuti ang nangyari ngunit kahit papaano ay may kaunting pasasalamat pa din dahil hindi siya naging halimaw, at hindi siya ang sinaniban ng underworld king.

Maya-maya pa ay nagsidatingan ang mga helicopters sa itaas namin. Bawat isa ay naglabas ng mga tali at dito nagpadulas ang mg sundalo upang makababa. Napatakip kami ng aming mga mata dahil sa sumasabay ang mga buhangin sa malakas na hangin dulot ng mga helicopters.

Matapos bumaba ng mga helicopters ay doon namin naaninag ang mga maraming sundalo na may hawak hawak na mga baril at lahat ng ito ay nakatutok sa amin.

"What's the meaning of this?" Jude asked angrily habang nakataas ang dalawang kamay kaya ginaya ko din siya at itinaas ang dalawang kamay.

Isang matangkad at may maayos na pangangatawan na lalake ang biglang naglakad papunta sa aming harapan. Nakasuit ito at napakaseryoso nang tindig at tingin nito.

"Ricky?" Lahat kami ay napalingon kay Trisha dahil sa sinabi nito. Kilala niya ba ang pogi na ito?

"I can't believe you traitor" malamig na sabi naman ng lalake na tinawag ni Trisha na Ricky.

"You know him?" Maangas na tanong ni Jude.

"Ex niya ata" sabat ko naman.

"You, SHUT UP!"

"Pikon!" Aish!! Wala na talaga siyang pag-asa.

Hinarap ko ang lalake at matamis na ngumiti sa kanya at nilahad ang aking kanan na kamay sa kanya.

"Shadow, nice to meet ya" I introduced myself. What? Ang hot kaya niya. Ngunit malamig lamang ako nitong tinignan. "Sungit" bulong ko. Kung hindi ka lang yummy! Pero teka may hawig siya kay ano ah..hmmmm.. Ano nga name nang gunggong na iyon?

"He's Ricky. He's the one who created Bloodlust and Drake's brother"

"Oo tama si Drake!" Malakas na sabi ko matapos marinig ang sinabi ni Trisha.

"Enough" malamig na sabi nito at inisa-isa kami nang tingin hanggang sa huminto ang tingin nito kay Kris.

"Kris Allen Laviegn as A#001"

"Jude Sevestre as A#002"

"Trisha Matthew as A#003"

"Madisson Sy as Sniper"

"And you Clariss De Castro as Shadow"

Wow, kilala niya kaming lahat ah.

"You are the Wanted Assassins, and all of you are under arrest" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"What? Come on, can you let this pass? We just saved Hallow City, a simple thank you would be nice" sabi ko ngunit ganoon pa rin, malamig pa din ako nitong tinitignan.

"Thank you" malamig nitong sabi kaya napangiti ako nang alanganin. "You're welcome" sabi ko nalang. Bweset na lalake to!

May lumapit na limang sundalo sa amin at pilit kaming pinuposasan. Nanlaban kami nung una hanggang sa namalayan ko na lamang na may tumusok sa leeg ko at doon ay dahan dahan na nanghihina ang aking katawan.

"You got to be kidding me!" Nanghihina kong sabi bago tuluyang bumagsak ang aking katawan sa buhangin at ang tuluyang pagkawala nang aking malay.

The Wanted AssassinsWhere stories live. Discover now